Estudyante, house keeper at mangingisda huli sa pot-session
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
NADAKIP ng mga tauhan ng Maritime Police ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu, kabilang ang na-rescueng 15-anyos na estudyante sa Navotas city.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) P/Maj. Rommel Sobrido ang mga naaresto na si Jocelyn Labuga, 52, house keeper ng Kadamay St. Market 3 Brgy. NBBN, Ariel Barcelona, 49, mangingisda ng Blk 3, Market 3 at ang 15-anyos na grade 6 student na itinago sa pangalang “Rosana”.
Ayon kay P/Maj. Sobrido, alas- 11 ng gabi nang respondehan ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia, kasama ang dalawang tauhan ng WCPD ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Kadamay St. Brgy. NBBN.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu ang tatlo na naging dahilan upang arestuhin nila si Labuga at Barcelona habang na-rescue naman ang menor de edad.
Nakumpiska sa mga dinakip ang sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalias.
Kinasuhan ng pulisya ng paglabag sa Comprehensive Dan- gerous Drugs Act of 2002 si Labuga at Barcelona habang tinurn-over naman sa DSWD ang na-rescueng menor de edad. (Richard Mesa)
-
Grupo ng mga aktibista nanawagan sa DOTr at LRTA
ANG GRUPO ng mga aktibista sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan ay nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na kanilang bawiin ang nakaambang petisyon upang magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT1) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT3). Sa isang […]
-
China kinampihan ang Russia sa panawagan na ‘wag na dapat sumali ang Ukraine sa NATO
NAKAKUHA ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance. Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa. Kapwa […]
-
Ads March 2, 2021