• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bus terminal sa Quezon City, tinupok ng apoy

TINUPOK ng apoy ang isang bus terminal sa Cubao, Quezon City hapon ng Pebrero 9, Huwebes.

 

 

Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:46 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Araneta bus terminal na matatagpuan sa Time Square St., Brgy Soccoro, Quezon City.

 

 

Nagsimula umano ang sunog sa barracks ng terminal ng bus.

 

 

Umabot hanggang Task Force Bravo ang alarma ng sunog dakong alas-5:08.

 

 

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa sunog.

 

 

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito. (Daris Jose)

Other News
  • DOH NAGBABALA SA W.I.L.D. OUTBREAK

    BINALAAN  ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng outbreak ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at  dengue (W.I.L.D.) diseases  kasunod ng pananalasa ng nagdaang mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa.   Iginiit din ng DOH ang panawagan nito sa pag-iingat laban sa pagkalat ng […]

  • PDu30, muling nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga old-timers sa Senado

    MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga botante na alisin na ang mga  old-timers sa Senado na wala namang ginawa habang nanunungkulan.     “Marami diyan sa senado, matagal na, wala na namang ginagawa. From time to time, kunwari may issue magsalita. ‘Yan ang ayaw ko diyan sa mga senador ngayon. Hindi lahat, […]

  • Filing ng ITR, walang extension – BIR

    WALANG ng extension sa pagpa-file ng taunang income tax returns ngayon taon, ayon sa  Bureau of Internal Re­venue  (BIR).     Ayon kay BIR De­puty Commissioner Atty. Marissa Cabreros, hanggang kahapon, April 18  ang deadline sa paghahain ng ITR.     “All info on filing have long been posted sa website and FB page ng […]