• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH NAGBABALA SA W.I.L.D. OUTBREAK

BINALAAN  ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng outbreak ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at  dengue (W.I.L.D.) diseases  kasunod ng pananalasa ng nagdaang mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

 

Iginiit din ng DOH ang panawagan nito sa pag-iingat laban sa pagkalat ng Covid-19  sa mga lumikas.

 

Ayon sa DOH, ang bagyong Rolly at Ulysess ay nagdulot ng malawakang pagbaha at pinsala na naging dahilan ng mga paglikas sa maraming bahagi ng Luzon.

 

Dahil dito, inalerto na ng DOH ang kanilang Centers for Health Development  dahil sa mga panganib sa kalusugan sa apektadong mga lugar upang patuloy na mag-monitor kasama ang local government units sa kani-kanilang komunidad sa posibleng pagkalat ng W.I.L.D diseases

 

Ayon sa DOH’s epidemiological analysis, ang peak season ng influenza sa bansa ay tuwing Hulyo at Oktubre, kasabay ng pagsisimula ng tag-ulan dahil sa pagbago ng panahon mula sa tag-init at maulang panahon.

 

Samantala, ang mga tubig na hindi dumadaloy ay mga pinamumugaran naman ng lamok  at ang tubig baha na ito ay maaari ring magdala ng bakterya ng leptospira na sanhi ng leptospirosis.

 

Binigyan diin din ng DOH ang pagkagambala ng ligtas na malinis na suplay ng tubig dahil sa pagbaha  na maaring maging sanhi ng kontaminasyopn ng tubig at pagkain na nagdudulot ng iba pang mga sakit tulad ng cholera,typhoid fever,dysentery, amoebiasis,hepatitis A at acute gastroenteritis.

 

Binigyan diin din ng kalihim ang importansya ng pagiging alerto at bigilante sa mga evacuation centers.

 

Sa ngayon,wala pa naman umanong naitatalang kaso ng Covid-19 sa mga evacuation centers , batay na rin sa ulat ng DOH – Health Emergency Management Bureau.

 

Umaasa naman si Duque na walang maging kaso ng Covid-19 sa mga evacuation centers hanggang makauwi ang mga bakwit sa kani-kanilang bahay kung saan patuloy na minimonitor ang health conditions sa  mga apektadong lugar  at patuloy na nagpapaalala ang kagawaran  na sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng pamahalaan (GENE ADSUARA)

Other News
  • Dating pangulong Duterte, pinaalalahan sa pangako nito na dadalo sa Quad Comm hearing pagkatapos ng Undas

    NANANAWAGAN ang isang lider ng grupong “Young Guns” sa Kamara kay dating pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang naging commitment nito na dumalo sa gagawing pagdinig ng Quad Comm tulad nang inawa nitong pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee.     “Elected leaders should have the courage to practice the virtue of having a word […]

  • Mas malakas na ‘international legal frameworks’, kailangan sa pagtugon sa kalamidad, sakuna -PBBM

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas malakas na ‘international legal framework’ na magsisilbi bilang gabay para sa disaster response measures.   ”We must advocate for stronger international legal frameworks that guide disaster prevention and response. The Philippines is proud to lead the initiative toward developing an international legal instrument for the Protection […]

  • Sa tanong kung kasal na sila ni Sam: CATRIONA, sinagot ang follower ng ‘not yet but soon’

    IBA talaga ang isang Barbie Forteza, kaya niyang gawin anuman ang hinihingi ng role niya sa kanya. Tulad ngayon na nasa last two weeks na lamang ang action-drama series nila ni David Licauco, ang “Maging Sino Ka Man,” ay sumabak pa siya sa isang matinding action scene.       Kung noong unang bahagi ng serye […]