May M.U. na sila ni Ysabel: MIGUEL, inaming naging sila ni BARBIE at ‘di maganda ang break-up nila ni BIANCA
- Published on February 11, 2023
- by @peoplesbalita
Unang tinanong sa kanya ay si Barbie Forteza. Inamin ni Miguel na niligawan at naging sila ni Barbie.
“Pino-post ko po siya dati. Naging kami po. Dalaw po sa set. Kasi hindi po kami magkasama ng show dati, I was doing ‘Niño’ back then tapos iba po ‘yung show niya.
Sunod naman ay ang tungkol sa dati niyang ka-loveteam na si Bianca Umali. Nagkaroon din daw sila ng relasyon pero hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.
“Naging kami po ni Bianca. ‘Yung dahilan ng paghihiwalayan namin, huwag na tayong mandamay ng ibang tao. Irespeto natin ang ibang tao. Siguro sa issue na lang namin ni Bianca,” diin pa ni Miguel.
Pangatlo ay si Kyline Alcantara na naging special sa kanya.
“We had something special. Lagi kaming magkasama sa ‘All-Out Sundays’. Doon po kami nagka-develop-an,” sey ni Miguel na napanatili ang friendship kay Kyline.
Noong dumating na kay Ysabel Ortega, sagot ni Miguel ay: “Mahal na mahal ko siya.”
Pero paglilinaw ng aktor na nililigawan pa lang niya si Ysabel. Pati raw ang ina ni Ysabel na si Michelle Ortega ay nililigawan din daw niya.
“Kailangan po kasi nating sundin ‘yung nanay ni Ysabel. Medyo strict po si tita, and respeto po sa desisyon niya para sa anak niya dahil kahit paano, kailangan niyo rin pong ligawan ang magulang ng nililigawan mo. Kaya nililigawan ko po silang dalawa.”
May mutual understanding daw sila ni Ysabel. Ayaw din daw ni Miguel na maging distraction siya sa pag-aaral ni Ysabel.
“Nag-aaral po siya ngayon. Gusto ko rin pong bigyan siya ng time, ayokong masakal siya… kung maging kami man ngayon, baka maging distraction lang ako sa law school niya ngayon,” sabi ni Miguel.
Mensahe ni Miguel para sa ina ni Ysabel ay: “Tita, pinapangako ko po na aalagaan ko po si Ysabel. Huwag po kayong mag-alala pinagdadaanan namin ang bawat steps na kailangan naming pagdaanan para mas makilala pa ang isa’t isa.
Maituturing nga ni Jeniffer na first single niya ang Alimuom kahit na inawit niya noon ang theme songs ng mga GMA teleserye na The Lost Recipe at Raising Mamay. May kakaiba raw na dating ang musika ng Alimuom kaya ito ang napili niya sa mga songs na pinarinig sa kanya.
“Ang ‘Alimuom,’ kasi ‘yun ‘yung umuusbong after the rain, it symbolizes rain. Nung pinarinig sa akin ‘yung demo ng song, na-feel ko sobrang unique ng kanta na ito. Ang timely niya rin sa nagdaan na pandemic, despite all the hardships at the end of the day, sa mga tao hindi nawawala ‘yung pagiging hopeful.
“At very original ang song na ito. Ang ganda kung nakakarinig tayo sa radyo ng mga tunog at instrumental na sariling atin. Na-enjoy ko ‘yung process ng paggawa ng song na ito.
Bukod sa pagiging biritera, paminsan-minsan ay umaarte sa teleserye si Jeniffer. Huli siyang napanood bilang si Sinang sa Maria Clara At Ibarra. Gumanap din siyang best friend ni Heart Evangelista sa I Left My Heart In Sorsogon.
-
‘Pure online classes’ bawal simula ika-2 ng Nobyembre, sabi ng DepEd
NAGLABAS na ng school calendar and activities para sa school year 2022-2023 ang Department of Education (DepEd) sa bisa ng Order No. 34 s. 2022 nito — bagay na naglilinaw sa pagdating sa distance at blended learning maliban pa sa pagsisimula ng klase. Ayon sa DepEd sa utos na pinetsahang ika-11 ng Hulyo, […]
-
PAL babayaran ang P570 million na utang sa CAAP
Nangako ang Philippine Airlines (PAL) na babayaran nila ang kanilang utang sa Civil Aviation Authority of the Philippines na nagkakahaga ng P570 million matapos gawin ang unang bahagi ng bankruptcy proceedings na kanilang inihain sa New Court. “I asked Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade to push through with its collection efforts […]
-
Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra
LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan. Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]