• December 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

$10 bilyong investment nakuha ni Pangulong Marcos sa Japan trip

NAKUHA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa $10 bilyong halaga ng investment mula sa limang araw na working visit sa Japan.

 

 

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na ang ibig sabihin nito ay P550 bilyon at libu-libong trabaho.

 

 

Paliwanag pa ni Pascual na nasa bola na ngayon ng Pilipinas kung paano pananatilihin pa sa bansa ang mga dayuhang negosyante.

 

 

“Pero ang complaint pa rin nila mabagal. Long time ago, we have held on the ball. We need to shoot the ball now and make a score. Let’s not drop the ball,” ayon pa sa kalihim.

 

 

Ito rin umano ang dahilan kung kaya patuloy na pinagsusumikapan ni Pangulong Marcos na madaliin ang proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas.

 

 

Inihalimbawa niya ang  itatayong “Green Lane” kung saan naging simple at madali ang pagproseso ng mga requirements ng mga dayuhang mamumuhunan.

 

 

Sa ngayon umano ay wala namang siyang naririnig na reklamo sa mga dayuhang mamumuhunan maliban sa mabagal na proseso ng papales.

 

 

Tiniyak pa ni Pascual, na agad na mararamdaman ng taong bayan ang mga naiuwing investment ni Pangulong Marcos at kumpiyansa na marami pang investment na makukuha ang Pangulo lalo at matagal pang matatapos ang taon.

 

 

Nasa buwan pa lamang umano ng Pebrero suba­lit bilyong halaga na ng investment ang nakuha ng Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • STUNTS 101: GET TO KNOW THE STUNTS AND THE AWESOME PEOPLE BEHIND THEM IN “THE FALL GUY”

    In every action film, the pulse-pounding sequences are a testament to the dedication and talent of the stunt team.   Watch the new featurette “The Fall Guy | A Look Inside”   For “The Fall Guy,” it was pivotal for director David Leitch (who used to be a stunt performer himself) and producer Kelly McCormick […]

  • Sobrang taas ng presyo ng baboy, tinutugunan ng pamahalaan

    KASALUKUYAN nang kumikilos ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy na mula hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang mga ASF-free areas ng Luzon. Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin […]

  • Inamin ni Jo na na-starstruck siya sa aktres: SHERYL, hindi nagsasawa sa pagganap bilang kontrabida

    HINDI raw nagsasawa si Sheryl Cruz sa pagganap bilang kontrabida kahit na 18 years na niya itong ginagawa.   Kahit daw minsan nakapapagod ang magalit at magtaray, lagi raw handa si Sheryl lalo na kung first time niya makatrabaho ang isang artista tulad ni Jo Berry sa ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’.   “I guess, isa sa […]