• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MOA sa pagitan ng Kamara at Philippine National Red Cross para sa blood donation program, nilagdaan

NILAGDAAN ng Kamara at at ng Philippine Red Cross (PRC) ang isang Memorandum of Agreement (MOA), para sa pagsasagawa ng mga serye ng mga aktibidad sa donasyon ng dugo, sa mga oras at petsa na mapagkasunduan at pipiliin ng magkabilang panig.

 

 

Sa ilalim ng MOA, magkakaroon ng aktibidad para sa blood donation na kaganapan na hindi bababa sa bawat tatlong buwan upang ang mga miyembro ng HRep, ang Secretariat, congressional staff, at mga benepisyaryo na itatalaga ng HRep ay madaling makakuha ng dugo kung kinakailangan sa loog ng isang taon.

 

 

Ang PRC ay gagawa ng mga naaangkop na hakbang upang magkaloob at maglaan ng sapat na mga yunit ng dugo sa mga miyembro ng HRep, Secretariat, congressional staff, at mga itinalaga na tatanggap ng HRep sa isusumiting mga kinakailangang dokumento sa kaso ng emergency o karaniwang pangangailangan ng dugo.

 

 

Nilagdaan ito nina HRep Secretary-General Reginald Velasco, sa ngalan ng Kapulungan, at PRC Secretary-General Dra. Gwendolyn Pang, sa ngalan ng PRC.

 

 

Si House Sergeant-at-Arms (SAA) MGen. Napoleon Taas (Ret.), Ernesto Isla ng PRC Board of Governor, gayundin ang Chapter Administrator ng PRC-Quezon City Janice Meldoy Adolfo, RN, ay lumagda rin bilang mga saksi sa MOA.

 

 

Ayon sa MOA, ang HRep ay magsisilbing parehong lokasyon para sa blood donation activities at tagapagbigay ng mga pagkain para sa mga empleyado ng PRC, habang ang PRC ay responsable sa pagbibigay ng mga sumusunod: 1) personnel at equipment para sa blood donation activities; 2) mga suplay, materyales, at kagamitan para sa pagkuha ng dugo; 3) angkop na kagamitan sa pag-iimbak para sa kinuhang dugo; at, 4) pagsasagawa ng mga kinakailangang pamamaraan sa pagsusuri ng mga donor ng dugo.

 

 

Isinasaad pa sa MOA na ang HRep ay itatakda ng maaga ang pagsasagawa ng mga donation activities na ito.

 

 

Ang MOA ay mananatili sa buong puwersa at bisa sa loob ng isang taon maliban kung bawiin sa nakasulat na pahintulot ng mga sangkot. (Ara Romero)

Other News
  • First time lang sumali, title holder agad: CRISTINA, kinoronahan bilang ‘Noble Queen of the Universe 2022’

    BONGGA ang naging salubong ng eventologist na si Tim Yap sa New Year dahil kinasal siya ulit sa kanyang partner na si Javi Martinez. Sa Instagram ay pinost ni Tim ang photo nila ni Javi na magka-holding hands habang nasa Amapulo beach sila at may caption na “married… again.” Kinasal si Tim at ang events […]

  • NEDA board, nagbigay ng go signal para sa P170.6B NAIA rehab

    INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P170.6-billion Ninoy Aquino International Airport (NAIA) rehabilitation project. Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang  “solicited proposal to rehabilitate, operate, expand and transfer the NAIA” project  ay isasagawa sa ilalim ng  public-private partnership (PPP) scheme. Ang nasabing proyekto, sa ilalim ng  Department of […]

  • Malakanyang, pinalagan ang sinabi ni Senador Lacson hinggil sa drug war ng pamahalaan

    PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na failure ang drug war ng administrasyong Duterte .   Ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa senador ang malaking tagumpay ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at ito ay kayang patunayan ng datos.   Sa katunayan ay kalahati na ng mga barangay […]