• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims

PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers.

 

 

Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng flight ng isang airline mula Singapore.

 

 

Ang grupo, na binubuo ng apat na lalaki at apat na babae, ay lumipad mula Dubai upang magtrabaho sa Thailand ngunit kalaunan ay dinala sa Myanmar.

 

 

Ang isa sa kanila ay umalis bilang isang rehistradong Overseas Filipino Worker sa Dubai noong 2019, habang ang tatlo naman ay umalis bilang mga turista noong 2016, 2019, at 2021 upang bisitahin ang mga kapamilya ngunit hindi na bumalik mula noon.

 

 

Ang mga Pilipinong na-recruit ay kinakailangang bumuo ng mga relasyon sa kanilang mga target sa pamamagitan ng social media, at hikayatin silang mamuhunan sa isang pseudo-crypto account.

 

 

Ang mga ganitong kaso ay iniulat na tumatakbo sa Myanmar, Laos, at Cambodia.

 

 

Kaugnay niyan, pinaalalahanan ni Tansingco ang mga Pinoy sa Pilipinas at sa labas ng bansa na maging maingat sa mga alok na trabaho online at tiyaking legal silang makakakuha ng trabaho. (Daris Jose)

Other News
  • 1.7M na RFID stickers nakabit sa mga sasakyan, SMC humihing ng extension sa deadline

    Naitala ng San Miguel Corporation (SMC) na may 1.7 million na RFID stickers ang nakabit na sa mga sasakyan subalit humihing pa rin na palawigin pa ang deadline ng paglalagay ng cashless transaction policy sa lahat ng expressways.   Hiniling ni SMC president Ramon Ang sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan nila ng konsiderasyon […]

  • 30% dagdag sa sahod ng mga papasok sa trabaho sa May 9 – DOLE

    MAKAKATANGGAP ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho sa araw ng halalan.     Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nag­dedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) […]

  • PTFoMS, hiniling sa PNP na imbestigahang mabuti ang pagpatay sa dating journalist na si Gwenn Salamida

    HINILING ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang pagpatay sa dating journalist Gwenn Salamida nitong nakaraang araw ng Martes.   Sinabi ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco, na bagama’t walang kinalaman o kaugnayan ang motibo ng pagpatay kay Salamida sa kanyang dating journalism […]