• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil tumutulong ang anak at ‘di nanloloko: VILMA, naging emosyonal nang matanong sa pinagdaraanan ni LUIS

ISANG dakilang ina kaya hindi maaaring hindi ipagtanggol ni Ms. Vilma Santos ang kanyang anak na si Luis Manzano na nasasangkot ngayon sa isang kontrobersiya sa negosyo.

 

 

Kaya naman naging emosyonal si Ate Vi sa pagtatanggol kay Luis tungkol sa mga nagrereklamong nagpasok ng puhunan sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

 

 

Naganap ito sa katatapos lamang na guesting ni Ate Vi sa ‘Fast Talk With Boy Abunda.’

 

 

“Bilang ina, gaano kasakit ngayon ang maranasan na may pinagdadaanan ang iyong anak na si Luis,” ang tanong ni Boy Abunda sa Star For All Seasons.

 

 

“I’m sorry Tito Boy,” at napaiyak na agad si Ate Vi kaya hindi agad nakasagot.

 

 

“It’s not easy, it’s not easy. Ayaw kong i-entertain… Mahirap din kasi na minsan it’s your job do good, to show people that you’re comfortable pero deep inside you’re hurting. The only thing I can say is that I know my son. Ang anak ko tumutulong, hindi nanloloko,” mariing sinabi ni ate Vi.

 

 

“Kaya ‘yung mga nagsasalita at nanghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo, walang ibang nakakakilala sa anak ko kundi ako,” deklarasyon pa niya.

 

 

“At this point, it’s just asking for guidance, not even for myself but for my children. Ako na lang, huwag lang ang anak ko,” emosyonal pa ring pahayag ng aktres.

 

 

Siyempre pa, alam ni Ate Vi na malalagpasan ni Luis ang pagsubok na ito.

 

 

“It’s not easy. At this point in time, to all my friends and sa lahat ng mga kaibigan it’s just, prayers, because I know my son, lalagpas din ito. I know him.”

 

 

“Luis you will be fine,” mensahe naman ni Tito Boy kay Luis.

 

 

“You will be fine anak, maraming nagdarasal sa ‘yo. The truth will prevail. Alam ng mga tao ‘yan, tumutulong ka anak, hindi ka nanloloko. I love you,” sinabi pa ni Ate Vi kasama ang pamoso niyang pagbati palagi kay Luis na, “I love you, Lucky!.”

 

 

Naunang napabalita na isinilbi na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang subpoena sa bahay ni Luis sa Taguig City.

 

 

Ito ay tungkol sa reklamong estafa na inihain ng nasa apat-napung investors laban sa kanya at iba pang personalidad na affiliated sa oil firm.

 

 

Itinanggi ng FlexFuel ang mga akusasyon na sangkot sila sa investment scam pero aminado silang nakaranas sila ng pagkalugi dahil sa mga mga dahilang “beyond their control” tulad ng coronavirus pandemic.

 

 

Maging si Luis ay iginiit na walang siyang kinalaman sa pamamalakad ng FlexFuel at nawalan rin umano siya ng pera.

 

 

***

 

 

SUCCESSFUL ang pinakaunang Valentine’s concert ng male balladeer at stage actor na si Arman Ferrer.

 

Pinamagatang ‘Another Chance’, muling pinatunayan ni Arman, sa pamamagitan ng kanyang husay sa pag-awit, na he deserves more and more chances..

 

Halos puro love songs ang inawit ni Arman kaya naman sulit ang panonood ng mga in love at loveless na pumuno sa BGC Arts Center sa Araw (o gabi) ng mga Puso.

 

 

Nagsilbing special guest ni Arman sina Jackie Lou Blanco, Sheila Valderrama-Martinez, Debonair District, Al Fritz Blanche, Jep Go at Floyd Tena, Toma Cayabyab at si Mitch Valdez.

 

 

In fairness, ewan ko ba, may “chemistry” sina Arman at Jackileou, at birong-totoo nga ni Jackielou kay Arman, huwag siyang tatawaging “Tita” kundi Jackie na lang, puwede naman raw siyang maging cougar for that night.

 

 

And a trip down memory lane ang song number ni Jackielou na ‘You Don’t Own Me’ na cover ng original song ni Lesley Gore.

 

 

Mahuhusay rin ang mga male singers na guest ni Arman, bongga ang blending ng kanilang mga boses.

 

 

Si Sheila na bestfriend ni Arman, plakado ang pagkanta ng duet nila ni Arman ng ‘Beauty And The Beast’. Husay!

 

 

At si Mitch, walang kupas ang husay, tunay na music icon.

 

 

And speaking of icon, nanood si Mr. Ricky Lee sa concert ni Arman. Of course, alam nating lahat na National Artist for Film and Broadcast Arts.

 

 

Sana magkaroon ng repeat, kahit hindi Valentine tutal ‘Another Chance ang titulo ng concert’, and this time, sumama ka, Rohn Romulo, my dear People’s Balita editor, mag-e-enjoy ka dahil mahilig ka sa music.

 

 

Congratulations kay Arman at sa manager niyang si Noel Ferrer.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Team Lakay fighter Stephen Loman, tinawag ng Brave CF president bilang ‘biggest combat athlete’

    NANINIWALA ang presidente ng Brave Combat Federation na malaki pa ang magagawa ni Team Lakay fighter Stephen “The Sniper” Loman para sa mundo ng Mixed Martial Arts (MMA).   Tiwalang-tiwala si Brave Combat Federation president Mohammed Shahid na madadala ni Loman sa ibang level ang MMA sa Pilipinas.   Sinabi pa ni Shahid na patuloy […]

  • 13-M NA PAMILYA NABIYAYAYAN NA NG 2ND TRANCHE NG SAP

    UMABOT na sa mahigit 13.59 milyong pamilya nag naka tanggap ng ayudang P6,000-P8,000 sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).   Batay sa datos ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD)  nasa  13,598,020 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.   Dahil dito, aabot na sa P81.4 bilyon ang nailabas ng DSWD para […]

  • Pacman, kargado na ng protina ang pagkain, ilang araw bago ang laban

    Nananatili umanong agresibo sa nalalapit na laban si 8-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kahit naudlot ang laban kay American undefeated boxer Errol Spence at ipinalit si Yordines Ugas.     Ayon sa isa sa tagaluto ng team Pacquiao na si Cliff Ramat Manzano hindi nagbago ang gilas ng fighting senator.     Kaya […]