• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Team Lakay fighter Stephen Loman, tinawag ng Brave CF president bilang ‘biggest combat athlete’

NANINIWALA ang presidente ng Brave Combat Federation na malaki pa ang magagawa ni Team Lakay fighter Stephen “The Sniper” Loman para sa mundo ng Mixed Martial Arts (MMA).

 

Tiwalang-tiwala si Brave Combat Federation president Mohammed Shahid na madadala ni Loman sa ibang level ang MMA sa Pilipinas.

 

Sinabi pa ni Shahid na patuloy na pinatutunayan ni Loman na isa itong dakilang kampeon.

 

Tinawag niya si Loman bilang “biggest combat athlete” sa Pilipinas na kapareho raw ni fighting Senator Manny Pacquiao.

 

Itinuturing si Loman bilang longest-reigning champion sa Team Lakay sa international stage at mayroon itong MMA record na 14-2.

 

Napanalunan nito ang Brave CF bantamweight title laban kay Gurdarshan Mangat sa pamamagitan ng first-round technical knockout noong 2017.

 

Inihayag ni Shahid na nakalulungkot isipin na iilang Pilipino lamang ang nakakakilala kay Loman.

 

Gayunpaman, sinabi niyang maituturing si Loman bilang bayani dahil isa itong fighter na maipagmamalaki ng Pilipinas.

 

Isa si Loman sa mga Filipino fighter na posibleng lalaban sa kauna-unahang event ng Brave CF sa Sochi, Russia na magaganap sa January 16, 2021.

Other News
  • Federer handa ng sumabak sa French Open

    Kinumpirma ni tennis star Roger Federer ang pagsabak nito sa French Open.     Sa kaniyang Twitter account sisimulan nito ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagsali sa Geneva Open sa susunod na buwan.     Mahigit isang taon kasi na hindi sumali sa French Open ang 39-anyos na Swiss player dahi sa dalawang beses na […]

  • 625 city ordinance violators, huli sa Caloocan

    Hindi bababa sa 625 city ordinance violators ang nahuli ng Caloocan City Police sa unang araw nang pagpapatupad muli ng 10pm-4am curfew hours sa lungsod.     Bukod sa paglabag sa curfew, may mga nahuli rin dahil umiinom sa mga pampublikong lugar at ang iba ay walang suot na face mask habang nasa labas ng […]

  • Senate building nasa total lockdown: 8 senador na ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19

    INIUTOS  ni Senate President Migz Zubiri ang total lockdown sa Senate building sa Lunes, Aug. 22 matapos na umabot na sa pitong mga senador ang sunod-sunod na nagpositibo sa COVID-19 ngayong buwan.     Dahil dito, lahat na mga Senate employees ay pansamantala muna sa kanilang “work from home” upang bigyang daan ang isasagawang disinfection. […]