Duterte idepensa vs ’ICC probe sa drug war’
- Published on February 18, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni dating Pangulo at ngayo’y House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at 18 pang mambabatas ang nagkakaisang panawagan sa Kamara para suportahan at ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y madugong giyera kontra droga sa panahon ng termino nito.
Ipinunto ni Macapagal Arroyo (2nd District Pampanga) na ang Pilipinas ay kumalas na sa pagiging miyembro ng ICC noon pang 2019.
Ang 19 mambabatas ay naghain ng House Resolution (HR) No. 780 na pinamagatang “A Resolution In Defense of former President Rodrigo Roa Duterte, the 16th President of the Republic of the Philippines, Against Investigation And/Or Prosecution of the International Criminal Court”, na humihikayat sa Kamara na ideklarang “unequivocal defense of former President Rodrigo Roa Duterte.”
Binigyang diin sa HR 780 na katangi-tangi ang naging accomplishments ni dating Pangulong Duterte sa giyera nito kontra droga, insurgency, separatism, terorismo, korapsyon sa gobyerno at kriminalidad na nakatulong para mapagbuti ang buhay ng mga Pilipino bilang mahusay, komportable at matiwasay.
Idinagdag pa ni Arroyo na nakabuti sa bayan ang drug war ni Pangulong Duterte dahil nakapamuhay ng mapayapa ang mga Pilipino, nawala ang mga holdaper at nakakapaglakad na ng payapa maging sa kadiliman ng gabi sa panahon ng termino ni Digong. (Daris Jose)
-
Gen. Cascolan, nanumpa sa harap ni PDu30 bilang bagong hepe ng PNP
PINANGASIWAAN ni Pangulong Rodrigo Roa ang panunumpa sa tungkulin ni Police General Camilo Cascolan bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief. Kasama ni Cascolan ang kanyang pamilya sa nasabing seremonya na idinaos sa Malakanyang. Umaasa naman ang Malakanyang na maipatutupad ni Cascolan ang batas, aalisin ang mga kurakot na pulis at mapanatili ang […]
-
Dive Into Uncharted Waters! Feast on the Trailer for “Meg 2: The Trench”
They’re back for seconds. “Meg 2: The Trench,” starring Jason Statham and Wu Jing, opens in Philippine cinemas August 2. Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=HwokLHOYd5c Dive into uncharted waters with Jason Statham and global action icon Wu Jing as they lead a daring research team on an exploratory dive into […]
-
Humihingi ng danyos sa halagang $30 million: Sean “Diddy” Combs, kinasuhan ng sexual assault ng dating empleyado
WALA pa raw lovelife ang Kapuso actress na si Analyn Barro dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang career. Goal kasi ni Analyn na makapag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang bahay. “Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. […]