• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gen. Cascolan, nanumpa sa harap ni PDu30 bilang bagong hepe ng PNP

PINANGASIWAAN ni Pangulong  Rodrigo Roa  ang panunumpa sa tungkulin ni  Police General Camilo Cascolan bilang bagong  Philippine National Police (PNP) chief.

 

Kasama ni Cascolan ang kanyang pamilya sa nasabing seremonya na idinaos  sa Malakanyang.

 

Umaasa naman ang Malakanyang na maipatutupad ni Cascolan ang batas, aalisin ang mga kurakot na pulis at mapanatili ang tagumpay ng giyera laban sa ilegal na droga sa ilalim ng kanyang maiksing termino.

 

Si Cascolan ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre.

 

“I will lead this organization along the footsteps of my predecessors and along the shadows of their leadership and building on what they have started,”  ayon kay Cascolan sa kanyang assumption speech nitong September 2.

 

“I will lead the PNP along with the vision of a highly-capable, effective, and credible PNP that provides better and more reliable, more efficient and more effective police services,” aniya  pa rin.

 

Samantala, sinabi ni Cascolan na ang police force ay hindi magiging epektibo kung wala ang  suporta ng komunidad.  (Daris Jose)

Other News
  • Task Force na sisilip sa mga nangyayaring pangungurakot sa lahat ng government offices

    DAHIL na rin sa nakitang magandang resulta sa ginawang pagbuo ng Task Force PHILHEALTH ay nagpasiya si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtatag ng Task Force na sisilip naman sa mga nagaganap na katiwalian sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.   Sa katunayan ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kagyat na binigyan ng direktiba […]

  • ‘Cash recycling’ ATMs sa 7-Eleven PH, simula sa Hunyo

    NAKATAKDANG magkaroon ng “cash recycling” ATMs ang mga tindahan ng 7-Eleven sa Pilipinas sa Hunyo kung saan magkakaroon ng real-time cash deposits at withdrawals ang mga kliyente.   Pinirmahan na ng Philippine Seven Corporation, exclusive franchise holder ng 7-Eleven sa bansa, ang kasunduan kasama ang PITO AxM Platform Inc. (PAPI), ang lokal at wholly-owned subsidiary […]

  • PARKING ATTENDANT, PATAY SA SUV

    NASAWI   ang isang parking attendant matapos mabangga ng isang SUV habang tumatawid sa kahabaan Taft Avenue sa  Maynila.   Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical  Center ang biktimang si Jimmy Castro, 50, may live in partner  ng  694 TM Kalaw St, Ermita, Maynila.   Hawak naman ng MPD-Traffic Enforcement Unit ang  driver ng  2016 Toyota […]