• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vice Mayor ng Aparri, Cagayan at 5 pa todas sa ambush

PATAY ang Vice Ma­yor ng Aparri, Ca­gayan at lima pang kasama nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na naka-uniporme ng PNP, ang kanilang sinasak­yang van kahapon ng umaga sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

 

 

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Vice Mayor Rommel Alameda, 49, ng Aparri, Cagayan; Ale­xander Agustin Delos Angeles, 47; Alvin Dela Cruz Abel, 48; Abraham Dela Cruz Ramos Jr., 48, pawang mula sa Barangay Minanga, Aparri Cagayan; John Duane Banag Almeda, 46, ng Aparri at isa pang di nakuha ang pagkakakilanlan.

 

 

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na unang hinarangan ng 6 na mga suspek ang kahabaan ng national higway sa sitio Kinacao gamit ang barikada ng MV Duque Elementary School para mapahinto ang sasakyan ng mga biktima dakong alas-8:45 ng umaga.

 

 

Kasunod nito ay agad na pinaulanan ng mga suspek ng bala ang sinasakyan ni Alameda at mga kasamahan.

 

 

Kabilang si Alameda sa apat na idineklarang mga dead-on-the-spot habang ang dalawa ay namatay habang ginagamot sa Region 2 Trauma and Medical Center.

 

 

Ang mga suspek na nakasuot ng uniporme ng pulis ay agad na tumakas sakay sa isang white Mitsubishi Adventure (SFN 713) batay na rin sa kuha ng CCTV at pahayag ng ilang nakasaksi.

 

 

Ayon sa pulisya, nagsasagawa na sila ng manhunt operation matapos na tumakas ang mga suspek patu­ngo sa Solana.

 

 

Iniimbestigahan din ang sasakyan ng mga suspek na isang government vehicle.

 

 

Si Alameda ay nasa kanyang ikatlong termino bilang bise alkalde ng Aparri. (Daris Jose)

Other News
  • 16 DILG regional offices, ISO-certified na-DILG

    TINATAYANG may  16 regional offices ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pinagkalooban ng International Organization for Standardization (ISO) 9001: 2015 certification.     Ito’y bunsod na rin ng pagtalima ng 16 DILG regonal offices sa quality management system standards.     Sa isang kalatas, sinabi ni  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.  […]

  • LTFRB namimigay ng driver subsidy

    SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng bagong subsidy program na tulong para sa humigit kumulang na 60,000 na public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic   Ang programang ito ay magbibigay muna ng subsidies sa may 60,000 na drivers sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro […]

  • JOHN KRASINSKI SAYS “A QUIET PLACE PART II” IS BEST SEEN ON THE BIG SCREEN

    PARAMOUNT Pictures Philippines has just released a short video of John Krasinski, director and writer of A Quiet Place Part II inviting audiences to watch the film in theaters.  The film opens exclusively in select Philippine cinemas on November 10.     “A Quiet Place Part II was made for the big screen so I hope you enjoy […]