• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May thanksgiving fans day: BARBIE at DAVID, magkaka-movie at bagong teleserye

SIMULA na ngayong gabi ang huling linggo ng GMA-7’s top-rating historical fantasy portal drama series na “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Kaya nagpasalamat si Tirso Cruz III, who portrayed the role of Padre Damaso, ang tunay na ama ni Maria Clara sa “Noli Me Tangere,” ang librong isinulat ni Dr. Jose Rizal.

 

 

Sa interview ay nasabi ni Pip, na kahit galit sa kanya ang mga netizens dahil sa kanyang role, kapag nakikita raw naman siya sa labas ay binabati siya at nagpapa-picture pa sa kanya.

 

 

Tamang-tama naman na natapos na ni Pip ang death scene niya sa serye, bago siya lumipad for Germany, para mag-attend ng 73rd annual Berlin International Film Festival  (Berlinale), as Chairman of the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

 

 

Kasama ni Pip na dadalo ang ilang members ng FDCP, kasama rin niya ang wife niyang si Lynn and daughter Djanin.  Tatagal sila sa Berlin ng 12 days, from February 16 to 26.

 

 

Ibinalita rin niya na for two years, wala palang naganap na Berlinale dahil sa Covid-19 pandemic.  This year muling ibinalik ang festival and they added an award for best TV series.

 

***

 

 

MASAYA ang Valentine’s Day celebration nina Kapuso Sparkler stars na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.

 

 

IG post ni Jeric: “Hindi pa siguro late para bumati?  Happy Valentine’s my love @rabiyamateo I will and always love you!”

 

 

Sagot naman ni Rabiya sa post ni Jeric” “I love you @jericgonzales07.  Blessed to spend 2 Valentine’s dates with you  (with red heart emoji).”

 

 

Malamang na may taping si Jeric ng upcoming na “Mga Lihim ni Urduja” na he will play the role of Agent Greg, a liaison officer na magpu-protect kina Gem (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia) sa kanilang special operation sa Mission Urduja, kaya late na sila nakapag-celebrate.

 

 

Ang mega-serye na nagtatampok kay Sanya Lopez as Hara Urduja ay may world premiere na on February 27, 8PM, after “24 Oras.”

 

 

***

 

PABALIK na ng bansa mula sa kanyang pagbabakasyon si Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza, mula sa Chicago, Illinois. Nagbakasyon siya ng ilang araw, after niyang mag-taping ng extended na finale week ng “Maria Clara at Ibarra” sa older sister niyang si Gabrielle, na naka-base na roon with her husband and son.

 

 

Hindi nga pwedeng magtagal si Barbie dahil may binuong Thanksgiving fans day para sa kanilang FiLay loveteam ni David Licauco.

 

 

Gaganapin ito on Sunday, February 26, sa Ayala Malls, Cloverleaf, at 3:00 PM.  The affair will be hosted by Rain Matienzo, who played the role of Salome, ang love interest ni Elias (Rocco Nacino)

 

 

Sa pagtatapos ng “Maria Clara at Ibarra” sa Friday, February 24, malalaman kung si Klay ay mananaitli inside the novel or if Fidel will join her in the modern world.

 

 

May good news din for the FiLay fans, may nakatakda na raw gawing isang movie na pagtatambalan nina Barbie at David and soon, another teleserye raw ang inihahanda para sa kanila.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • GCQ sa NCR at Bulacan, extended

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes, Hunyo 14 ang ekstensyon o pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region at Bulacan mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.   “Some restrictions shall, however, be observed and applied in the abovementioned areas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Inilagay […]

  • Sila ang itatapat ng Siyete sa ‘Eat Bulaga’: VICE, tila may pahiwatig na sa posibleng paglipat ng ‘It’s Showtime’

    MULA sa ABS-CBN insider ay nalaman naming on going ang negosasyon sa posibilidad na paglipat ng “It’s Showtime “ sa GMA-7. Kung maging positibo ang pag-uusap ngayon between ng management ng GMA at ng mga big boss ng mga namamahala ng programang “It’s Showtime” ay sa Kapuso channel na ito mapapanood hosted by Vice Ganda, […]

  • Pilipinas target na maidepensa ng titulo sa SEA Games

    PINANGUNAHAN ni Olympic pole-vaulter EJ Obiena na nagsilbing flag-bearer sa pormal na pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kasama nito na pumarada si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino at 30 miyembro ng Philippine contingent.     Mayroong kabuuang 495 na atleta ng bansa ang sasabak sa 39 sports event. […]