• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagulat pero thankful sa nagsasabing bagay sa kanya: ANDREA, umaming dream role niya ang ‘Dyesebel’ ever since

NAGSIMULA sa bulung-bulungan at haka-haka, kaya minabuti naming tanungin nang diresto si Andrea Brillantes kung totoo ba na siya ang gaganap sa remake ng ‘Dyesebel’, ang classic na obra maestra ni Mars Ravelo tungkol sa isang magandang sirena.

“Actually, nagulat lang din po ako, nakita ko lang po siya sa media, pero thankful po ako sa response na nakuha ko from the citizens, yung mga casual viewers, na madami namang positive na mga sinasabing bagay ako, meron namang mga hindi, pero ‘yun nga, thankful po ako sa mga positive reviews na nakuha ko, thank you po, dahil dream role ko din po yun ever since.

 

 

“Isa yun sa mga rason kung bakit ko ginustong maging artista, isa din yun sa mga first audition ko yata, I think iyon yung second na naging audition ko,” pahayag ni Andrea na nakausap naming sa Franchise Ball ng Tapawarma kung saan si Andrea at vlogger Jay Emil Lasian o mas kilalang Team Katagumpay sa mga celebrity endorsers.

 

 

Ang “Dyesebel’ ang naging audition piece niya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-artista.

 

 

“Yes, iyon yung second ever ko yata, if not the first, second audition ko po.”

 

 

Pero wala pa raw pormal na pag-uusap sa pagitan ng kampo ni Andrea at ng ABS-CBN management tungkol sa pagbibida niya sa bagong Dyesebel project.

 

 

“Wala pa po.”

 

 

***

 

 

DAHIL usung-uso, tinanong namin si Allen Dizon kung sa palagay niya ay okay lamang na naghahalo o nagtatagpo ang mundo ng showbiz at pulitika?

 

 

Lalo pa sa panahon ngayon na may mga pelikulang politikal at tumatalakay sa kasaysayan ang ipinalalabas, tulad ng pelikula kung saan kasama si Allen, ang ‘Oras De Peligro’, at normal na kaganapan na, na ang isang artista ay pumupuwesto bilang public servant.

 

 

“Siguro part, part siguro ng showbiz na iyan kasi public figure ka and public property yung showbiz so siguro part din pero hindi kasi ako pampulitika e,  kumbaga dun lang ako sa too, dun lang ako sa totoo lagi.

 

 

“Karamihan naman sa showbiz ang fallback nila, sa pulitika, siguro part talaga, part talaga ng showbiz and politics.”

 

 

Pabor rin si Allen na naisasalin sa pelikula, tulad nga ng ‘Oras De Peligro’, ang mga tunay na nagyari sa ating kasaysayan.

 

 

“Oo para sa akin, para maging aware lahat ng mga Pilipino, yung mga hindi nakaranas ng dekada 70, about Martial Law, about People Power, di ba? Wala sila dun e, kaya talagang kailangang isapelikula para maraming makaalam, para yung mga kabataan maging aware sila sa mga nangyayari.”

 

 

Mapapanood si Allen sa pelikulang ‘Oras De Peligro’ kung saan gumaganap siya dito bilang si Dario na asawa ni Cherry Pie Picache bilang si Beatrice at anak nila si Sparkle male star na si Dave Bornea bilang si Jimmy.

 

 

Bukod kina Dave, Allen at Cherry Pie ay nasa cast rin ng Oras De Peligro sina Therese Malvar, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano at Gerald Santos.

 

 

Sa direksyon ni Joel Lamangan at mula sa Bagong Siklab Productions ni Atty. Howard Calleja at sa panulat nina Bonifacio Ilagan at Eric Ramos, ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan sa March 1.

 

 

Nasa pelikula rin ang anak na dalaga ni Allen na si Crysten Dizon at pangalawang taon na nilang magkasama sa isang proyekto.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads April 15, 2023

  • BLACK DIABLOS RISE IN FIRST ‘MONSTER HUNTER’ TEASER TRAILER

    FANS of the ‘Monster Hunter’ game franchise will be hyped by this teaser!   She’s found her prey. Watch out for the Black Diablo in the first tease for Columbia Pictures’ upcoming fantasy action thriller Monster Hunter, in Philippine cinemas soon. https://www.youtube.com/watchv=wnHSjV1c0Ss&feature=emb_logo   Based on the global video game series phenomenon, Monster Hunter is written […]

  • DOTr: Completion ng Edsa Busway malapit na

    Dumating na ang karagdagang concrete barriers upang gagamitin sa EDSA Busway na ilalagay sa dedicated na lane para sa mga buses.   Simula noong July 18 ay nagsimula ng magdatingan ang mga concrete barriers na ilalagay sa inner lane ng EDSA upang mas maging mabilis ang travel time ng mga commuters.   “The continuous development […]