• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

26 Chinese militia vessels namataan sa Ayungin Shoal

IBINUNYAG ng Philippine Coast Guard na mayroong nasa 26 na mga suspected Chinese maritime militia ang muling nakita malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

 

 

Sa inilabas na larawan ng coastguard mula sa Maritime Domain Awareness flight na kinukumpirma ang pagkakaroon ng 26 na suspected Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard.

 

 

Pinayuhan nila ang China Coast Guard 5304 na umalis sa lugar sa pamamagitan ng Chinese at English radio challenge.

 

 

Hindi naman malinaw kung nagsasagawa ba ng pangingisda ang nasabing mga barko ng China.

 

 

Sinabi naman ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na lumipad ang Cessna Caravan 2081 ng Coast Guard sa Ayungin at Sabina Shoals para magsagawa ng radio challenges sa Chinese coast guard vessels.

 

 

Magugunitang makailang beses ng naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs ng bansa dahil sa mga insidente sa West Philippine Sea. (Daris Jose)

Other News
  • Pasabog na naman ang episode ng ‘Korina Interviews’: Niño, inamin kay Korina na may isa pa siyang anak

    ISA na namang pasabog ang puputok sa upcoming episode ng ‘Korina Interviews’ sa NET25 ngayong Linggo, ika-lima ng hapon.     This time, ang dating child superstar na si Niño Muhlach ang naka-chikahan ni Ate Koring.     “Grabe. Buong Pilipinas halos sambahin ang isang Niño Muhlach,” pag-amin ni Korina na minsang naging fan ng […]

  • Maharlika Wealth Fund pirmado na ni Pangulong Marcos

    NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 sa Malacañang, kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng Administrasyon.     “Ang MIF ay isang matapang na hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago ng ekonomiya ng […]

  • PULIS UTAS, 1 PA SUGATAN SA BARIL NG KANILANG KABARO

    ISANG 33-anyos na pulis ang namatay habang sugatan naman ang isa pa matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro na nagsasagawa ng dry-firing sa Malabon City, kahapon ng umaga.   Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado ng District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa […]