• September 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PULIS UTAS, 1 PA SUGATAN SA BARIL NG KANILANG KABARO

ISANG 33-anyos na pulis ang namatay habang sugatan naman ang isa pa matapos aksidenteng pumutok ang baril ng kanilang kabaro na nagsasagawa ng dry-firing sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

Kinilala ni P/Capt. Patrick Alvarado ng District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB) ang nasawi na si P/SSgt. Christian Pacanor, 33, nakalataga sa DMFB-Forward Base at residente ng Sangandaan, Caloocan city habang si Pat. Jhomel Blas, 26 ng C-5 Road, Brgy. Ususan, Taguig City ay nasa ligtas ng kalagayan.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, kusang loob namang sumuko si Pat. Mark Jim Prado, 28, nakatalaga din sa DMFB Forward Base at residente ng 5-0 Gen. Santos Ave., Lower Bicutan, Taguig City na nahaharap sa kasong homicide at serious physical injury.

 

Sa inisyal na impormasyon mula kay P/SSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 4, habang nagsasagawa si Pat. Prado ng dry-fire gamit ang kanyang issued caliber .9mm Canik pistol sa loob ng DMFB Forward Base sa Blk 45 Salmon St. Brgy. Longos, alas-8:45 ng umaga nang aksidenteng pumutok ang baril.

 

Tumagos ang bala sa dingding na kahoy at tinamaan si SSgt. Pacanor sa likod at tumagos ang slug sa harap ng kanyang katawan habang si Pat. Blas ay nahagip naman sa ibabang bahagi ng kaliwang tainga.

 

Kaagad isinugod ang mga biktima sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na umabot ng buhay si PSSg Pacanor habang inilipat naman kalaunan si Pat. Blas sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na ginagamot. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads August 31, 2024

  • DOH: Mga nabakunahan vs COVID-19 sa Pilipinas, higit 6-M na

    Nasa higit 6-milyong indibidwal sa Pilipinas ang nabakunahan na laban sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).     Batay sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH), as of June 6, tinatayang 6,314,548 doses ng bakuna na ang naiturok ng pamahalaan simula noong Marso.     Mula rito, 4,632,826 ang ibinahagi bilang first dose. Habang […]

  • GINAWARAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas

    GINAWARAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng fiberglass boats, fishing gears, lambat, lubid at boya ang 20 rehistradong Navoteño fisherfolk sa pamamagitan ng NavoBangkabuhayan program bilang bahagi ng 118th Navotas Day celebration. Ang mga fiberglass boat ay nilagyan ng 16-horsepower marine engine, pati na rin ang fishing equipment […]