• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang bagong opisyal, nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos

KINUMPIRMA ng Presidential Communications Office o PCO na nanumpa na ang mga bagong opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, nanumpa na bilang chairperson ng NAC si Atty. Leah T. Armamento, kasama ang mga commission members na sina Atty. Jamar M. Kulayan at Atty. Nasser A. Marohomsalic.

 

 

Maging si Lope B. Santos II ay nanumpa na bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

 

 

Matapos ang kanilang oathtaking ceremony, opisyal na ring umupo bilang chairperson ng Marawi Compensation Board (MCB) si Maisara Dandamun-Latiph, gayundin ang mga miyembro ng board na sina Romaisa L. Mamutuk, Dr. Jamaica L. Dimaporo, Sittie Aliyyah L. Adiong, Mustapha C. Dimaampao, Dalomabi Lao Bula, Mabandes Sumndad Diron Jr., Nasser M. Tabao at Atty. Mosmelem Macarambon Sr.

 

 

Samantala, nanumpa na rin sa harap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) na kinabibilangan nina David B. Diciano, Presidential Assistant I; Arnulfo R. Pajarillo, Presidential Assistant I; Isidro L. Purisima, Presidential Assistant I; Andres S. Aguinaldo Jr., Executive Director IV; Susana Guadalupe H. Marcaida, Executive Director IV; Wilben M. Mayor, Executive Director IV; at Cesar D. De Mesa, Executive Director IV. (Daris Jose)

Other News
  • Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria

    Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.   “We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga […]

  • COA, pinuna ang DOH sa ₱3B na hindi nagamit na COVID-19 response funds

    PINUNA  ng Commission on Audit (COA)  ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi nagamit na  ₱3-billion unobligated funds para sa pangagasiwa sana at pagtugon sa COVID-19 pandemic noong 2022.     “Of the ₱3.055-billion unobligated funds, ₱2.414 billion lapsed and was reverted to the Bureau of Treasury,” ayon sa komisyon.     Ang lapsed […]

  • Higit 300K stude sa private school lumipat na sa public -DepEd

    Tinatayang nasa 300,000 estudyante mula sa private school ang lumipat na sa pampublikong paaralan para sa paparating na academic year 2020 hanggang 2021 sa gitna ng coronavirus pandemic, ayon sa Department of Education (DepEd).   “Ang sabi po sa amin ng field officials namin, traditionally ang private schools, nahuhuli mag full blast ng enrollment,” ani […]