• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria

Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.

 

“We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga COVID marshall natin at additional enforcement unit para magpaalala, we will continue to remind to really care from themselves,” ayon kay Moreno sa pahayag ng DZMM.

 

Ngunit inamin ng alkalde na sadyang mahirap na pagbawalan ang tao na mapuno ang Divisoria dahil sa rami ng nais makatipid ngayong Kapaskuhan na pinalala pa ng kawalan ng tao ng gumastos dulot ng pandemya.

 

“Una, ‘di ko kayo mabibigyan ng garantiya na ‘di mag-overcrowd ang Divi(soria) dahil ang Divi ay puntahan ng mga mamimili hindi lang ng mga batang Maynila,” ayon sa alkalde.

 

“’Yan ay distributorship, maraming namimili para ibenta rin sa kanilang mga probinsya o lugar,” dagdag pa niya.

 

Nakagawa naman umano sila ng pagbabago sa Divisoria sa pagpapaluwag sa Recto Avenue at Juan Luna Street sa pagbabawal sa mga vendors doon. Iginiit niya na mananatiling walang obstruksyon sa naturang mga kalsada maging sa Soler Street.

 

Sa pagpapatupad ng Simbang Gabi, sinabi ni Moreno na wala siyang problema sa mga pinuno ng simbahan na nakikipagtulungan sa kanila ngunit ang inaalala niya ay ang mga tao sa labas ng simbahan kapag napuno na ang itinakdang kapasidad ng simbahan.

 

Nagpaalala na lamang siya na palagiang sundin ang ‘minimum health standards’ ng pamahalaan kabilang ang palagiang pagsusuot ng face masks at shields, physical distancing at iwasan ang pakikipag-usap lalo na sa mga hindi kakilala. (Gene Adsuara)

Other News
  • Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount

    IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.     Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta […]

  • CHED nakiisa sa PSC, DOH, GAB; sumunod tayo sa guidelines

    Nakiisa ang Commission on Higher Education (CHED) sa Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board, at Department of Health sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan  ng student-athletes sa gitna ng the coronavirus disease 2019 pandemic.   “Safety of our students is the topmost concern,” ani CHED chairman Prospero De Vera at hinimok ang lahat […]

  • First episode ng ‘MayLine On Me’, nag-viral at naka-5M views: MAVY, sinagot ang tanong ni KYLINE kung bakit naghintay for two years

    NAG-VIRAL at nakakuha ng mahigit 5M views na sa Tiktok ang kauna-unahang episode ng “MavLine On Me” podcast ng Sparkle love team nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.       Bukod doon, nakuha rin nito ang 7th spot sa Top 10 Spotify Philippines’ Top Podcast chart.     Sa podcast natanong ni Kyline kung bakit siya […]