• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Walang nabuhay’: 4 na pasahero ng Cessna crash sa Albay natagpuang patay

HINDI nakaligtas ang ni isa sa mga pasahero ng maliit na eroplanong bumagsak malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon matapos silang matagpuang walang buhay, ayon sa isang local official nitong Huwebes.

 

 

Kasama sa apat na pasahero ng naturang Cessna 340 aircraft ang dalawang Australyano nang mawala ito nitong Sabado matapos lumipad mula sa Bicol International Airport patungong Maynila.

 

 

“No more search and rescue operation. Our operation is now focused on retrieval because we’re able to locate the passengers. They were lifeless,” wika ni Irwin Baldo, alkalde ng Camalig, Albay sa panayam ng TeleRadyo.

 

 

“The challenge for us now is how to bring down the remains of the passengers.”

 

 

Nangyayari ito habang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon, panahon kung kailan ipinagbabawal ang paglipad ng anumang eroplano malapit dito.

 

 

Una nang sinabi ng Phivolcs na dapat mag-ingat ang publiko sa sumusunod sa naturang bulkan:

 

  • biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions
  • rockfall mula sa tuktok ng bulkan
  • pagdaloy ng lahar kung may matinding pag-ulan
  • Tinataya ng Civil Aviation Authority of the Philippines na nasa kanlurang gawi ng bulkan ang eroplano, at nasa 3,500 hanggang 4,000 feet above sea level.
  • Inako na ng Energy Development Corporation ang pagmamay-ari ng Cessna plane at sinabing technical consultants ang mga banyaga para sa naturang renewable energy company. (Daris Jose)
Other News
  • PH men’s volleyball team ng bansa desididong makakuha ng gold medal sa SEA Games

    TINIYAK  ng Philippines men’s volleyball team na mayroon silang malaking improvements sa pagsabak nila sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Sila kasi ngayon ang binabantayan na koponan matapos na makakuha ng silver medal noong 2019 Southeast Asian Games.     Bagama’t hindi na nagsisimula ang mga liga ng mga volleyballs sa bansa […]

  • Bilang ng health workers, kinakapos pa rin – PHA

    Patuloy na kinakapos ng health workers ang maraming ospital sa malaking bahagi ng ating bansa.     Ito ang pag-amin ni Philippine Hospital Association (PHA) president Dr. Jaime Almora, kasunod ng malaking pangangailangan sa mga doktor at nurses, ngayong ikalawang taon na ng COVID-19 pandemic.     Ayon kay Almora, kahit bumaba na ang bilang […]

  • Warehouse staff sugatan sa pananaksak sa Navotas

    SUGATAN ang 26-anyos na warehouse staff matapos saksakin ng babaeng kapitbahay na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26, ng A Santiago St., Brgy., Sipac Almacen.     Sa ulat nina PSSg […]