• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Terorismo sa Pinas, bumaba na

IPINAGMALAKI  ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon.

 

 

 

Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba ng terorismo, nakatulong ito sa pag-angat ng economic activities sa bansa at pagbawas ng kahirapan.

 

 

 

Kasunod nito, pinasalamatan ni Galvez si Marles at ang Australian government dahil sa pagsasanay na ipinagkaloob sa mga sundalo sa pamamagitan ng mga joint military exercises.

 

 

 

Naniniwala si Galvez na sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito, mas lalong lalakas ang kumpiyansa ng mga sundalo kasabay nang pagkakaroon nila ng mga makabagong kagamitan dahil sa mo­dernization program.

 

 

 

Dagdag pa ni Galvez, inaasahan niya ang joint patrol at training kasama ang mga kaibigan at kaalyadong bansa habang ang Pilipinas at Australia ay nakatakdang magtatag ng isang regular na Defense Ministerial Meeting (DMM). Mas magkakaroon ng kooperasyon ang Pilipinas sa Australia sa pamamagitan ng naval at air forces.

 

 

 

Sa panig naman ni Marles, sinabi nitong nagkasundo ang Pilipinas at Australia na mas palakasin pa ang kanilang Strategic Partnership na layuning magkaroon ng mas masagana at mas matatag na Indo-Pacific region kasama ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Other News
  • Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7

    IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu.   “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]

  • Ads October 23, 2021

  • COVID-19 sa Metro Manila papalo sa 8.5 milyon sa Hunyo 30

    Nagbabala ang OCTA Research Group na posibleng umabot ng hanggang 8.5 mil­yon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 30 kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa mga dara­ting na araw.     “If this trend conti­nues, by June 30, we will achieve herd immunity. We will […]