• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala itutuloy ang astig sa taong 2021

MAGPAPAHINGA na muna mula sa mga kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala.

 

Maganda na rin ang taon para sa Pinay tennis sensation, kahit sabihin pang may pandemyang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19.

 

Ito’y dahil sa nagkampeon ang 15-anyos na atleta sa 108th Australian Open 2020 Juniors girls doubles kasama si Indonesian Priska Nugroho bilang fourth seed tandem.

 

Nakapasok din ang tinedyer na anak ng Southeast Asian Games swimming bronze medalist sa semifinals ng 124th French Open Juniors girls singles, naabot ang career-high International Tennis Federation (ITF) world juniors girls singles no. 2 spot nitong Oktubre 12;

 

Sumali na rin sa ilang Women’s Tennis Association (WTA) European circuits ang Rafael Nadal Academy tennis scholar at Globe Ambassador upang marating ang professional career-best world No. 1,180 nitong Nobyembre 30.

 

Pero bumalik na muna ng bansa si Eala ayon sa kanyang ama na si Michael ‘Mike’ nitong Lunes, Disyembre 7 upang dito na gugulin ang kabuuan ng buwan o taon at magdiwang ng Pasko’t Bagong Taon sa piling ng pamilya.

 

Hinirit pa ng nakatatandang Eala na magbabalik ang anak sa Academy sa unang linggo ng Enero 2021 upang ituloy roon ang pag-aaral at sumali rin agad sa isang women’s pro $15k tournament sa Mallorca, Spain, bago matapos ang nasabing buwan sa pagpapatuloy ng bangis niya sa paghamablos ng raketa.

 

Kung magbibigay ng parangal sa mga atletang Pinoy at Pinay ang Philippine Sportswriters Asociation (PSA), sigurado ang boto ko sa isa iyo na kabilang ka sa mga awardee Alex. Dahil sa pagiging astig mo at karangalang binigay mo sa Pilipinas.

 

Habang karangalan ang ibinibigay ni Eala sa ating mga Pinoy, puro kahihiyan naman ang Philippine Tennis Association (PHILTA) na may dalawang taon na yatang suspendido sa ITF. Sana huwag na kayong pasaway riyan. Umayos na kayo.

 

At dalangin po ng Opensa Depensa ang patuloy na tagumpay mo Alex sa nawa’y talagang normal nang 2021 sa awa ng Diyos. (REC)

Other News
  • Stephen Loman kinagat ang hamon ni Andrade

    Tumugon si Stephen Loman, isang bantamweight contender at dating Brave CF bantamweight champion, sa hamon ng bagong koronang ONE bantamweight world champion na si Fabricio Andrade kasunod ng kanyang panalo laban kay John Lineker noong Sabado sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok.   Pinababa ni Andrade, 25,  ang dating UFC fighter na si Lineker sa […]

  • Transport groups umaangal sa no-contact apprehension policy

    ISANG coalition ng mga transportation rights groups ang umaangal sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng karamihan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Tinatawagan ng The Stop NCAP coalition ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang repasuhin at ayusin ang mga lapses sa pagpapatupad […]

  • Notoryus snatcher nasakote sa Caloocan

    Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) District Special Operations Unit (DSOU), agad naaresto ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang estudyante sa Caloocan city.     Kinilala ni NPD-DSOU PMAJ Amor Cerillo ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RPC Art […]