• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 koponan ng PSL papahinga sa 2021

SINIWALAT na ng Philippine SuperLiga (PSL) ang mga programa para sa taong 2021, pero magpapahinga muna ang tatlong koponan ng semi-professional women’s volleyball league.

 

Hindi na muna maglalaro ng isang taon sa liga ang Petron Blaze Spikers, Generika-Ayala Lifesavers at Marinerang Pilipina Lady Skippers dahil sa rason nilang may pandemya pa ng Covid-19.

 

Pero may isang koponan sa karibal na liga (ang nag-pro nang Preimer  Volleyball League) ang magiging kapalit ng tatlo bilang team muna sa PSL, ang PetroGazz Angels.

 

Ang mga hinanay na palaro nina PSL chairman Philip Ella Juico at president Adrian Laurel ay ang ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa Pebrero 25-27, Fans Day sa Marso 7, All-Filipino Conference sa Mar. 13 at PSL Collegiate Grand Slam sa Hulyo 10-Agosto 14.

 

Hiwalay pa ayon sa dalawang opisyal rito ang pagbahagi ng liga sa mga lalahukan ng bansa na torneo sa abroad kagaya ng 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam at iba pa.

 

Ang mga koponan pang kasapi sa PSL ay ang F2 Logistics Cargo Movers, Cignal HD Spikers, Chery Tiggo Crossovers, Sta. Lucia Lady Realtors at PLDT Fibr. (REC)

Other News
  • ‘Leon’ , may tsansang maging Super Typhoon

    MALAKI ang tsansa na maging isang Super Typhoon ang bagyong Leon sa panahon na ito ay papalapit sa Batanes.   Ito ay batay sa weather outlook ng PAGASA kaugnay ng galaw ng naturang bagyo.   Ayon sa PAGASA, si Leon ay lalakas habang ito ay daraan sa Philippine Sea at maaabot ang Typhoon Category sa […]

  • Navotas City Christmas Bazaar

    IPINARAMDAM na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mga mamamayan na ‘Pasko na sa Navotas’ sa pamamagitan ng pagpapailaw nito sa heganting Christmas tree.     Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display […]

  • C-Stand, NorthPort malakas – Ravena

    KAIBA sa pangkaraniwan ang namamataan ni Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr., na team-to-beat sa 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020 na iniurong ang pagbubukas sa Marso 8 mula sa Marso 1.   “Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh,” samantaha ng Talk ‘N Text coach na dinahilan si Fil-Germand Christian Standhardinger. “Intact sila and […]