• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Target ng DOLE na mainspeksyon ang nasa 64k na mga establisimyento at kumpanya, nalampasan na

NALAGPASAN  na ng Department of  Labor and Employment (DoLE) ang target nito ngayong taon na maisailalim sa inspeksyon  ang 64,000 business establishments and companies sa bansa.

 

Layunin nitong malaman kung nasusunod ba ng mga nagbalik operasyon na mga negosyo ang health at labor standards na ipinatutupad ng gobyerno para sa kaligtasan at proteksyon ng kanilang mga manggagawa.

 

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, sa Laging Handa briefing,  simula pa noong ma-lift o  alisin ang total lockdown noong Hunyo sa NCR at sa malaking bahagi ng bansa ay sinimulan na aniya nila ang pag-iinspeksyon sa iba’t ibang mga kumpanya at establisimyento sa bansa.

 

Sinabi pa ni Benavidez, malaki ang naging tungkulin ng kanilang mga Labor inspector dahil ito ang nag-iikot at nagbabantay para matiyak na ligtas at napoprotektahan ng batas ang mga manggagawa sa panahon ng pandemya.

 

Katuwang nila sa isinagawang pag-iinspekyon ang DTI,  local government units at DoH kung saan ito’y para siguruhing naipatutupad ang tinatawag na minimum health protocols. (DARIS JOSE)

Other News
  • Ads January 14, 2023

  • P750 national minimum wage, iginiit

    KASUNOD na rin ng 5.4% inflation rate at pagtaas sa presyo ng  pangunahing bilihin, nanawagan ang Anakpawis Partylist sa kongreso na ipasa ang P750 National Minimum Wage bill na inihain ng Koalisyong Makabayan.     Una ng tinuligsa ng grupo ang pinakahuling P33 wage increase na anila ay hindi sapat para punan ang P51 lost […]

  • AFP binago ang kanilang military acquisition plan, Horizon 3 magsisimula ngayong 2023

    TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng kaniyang administrasyon ang lahat para makahabol sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng mga delays dahil sa Covid-19 pandemic.     “Kung ano ‘yung schedule natin medyo naatras lang nang kaunti because of the pandemic. But now, we are proceeding back […]