Grupo ng mga aktibista nanawagan sa DOTr at LRTA
- Published on March 8, 2023
- by @peoplesbalita
ANG GRUPO ng mga aktibista sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan ay nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na kanilang bawiin ang nakaambang petisyon upang magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT1) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).
Sa isang payahag na ginawa ni Bayan secretary general Renato Reyes kanyang sinabi na ang dalawang nasabing ahensya ng pamahalaan ay hindi dapat magbibigay ng karagdagan pasakit sa mga mamayan dahil nakalagay sa kanilang mandato ay ang tumulong sa mga pasahero.
“The justification for the fare hike, that government subsidies for train line have become too big, implies that these subsidies are wasted on commuters. When asked if there was an order from Congress or the Executive to reduce subsidies for train lines, the representatives of the LRTA and MRT 3 could not present any,” wika ni Reyes.
Ito ang sinabi ni Reyes ng nagkaron ng latest hearing tungkol sa fare hike petitions noong nakaraang March.
Sa ilalim ng mungkahi para sa pagtataas ng pamasahe, ang minimum single journey sa MRT 3 ay tataas ng P4 o mula sa dating P13, ito ay magiging P17. Habang ang end-to-end mula sa North Avenue papuntang Taft Avenue ay tataas ng P6 at magiging P34 mula sa dating P28.
Magiging P13 naman ang minimum fare sa LRT 2 mula sa dating P11 at ang end-to-end fare naman ay magiging P33 mula sa dating P28.
Ang Light Rail Manila Corp. ay isang pribadong kumpanya na namamahala sa operasyon ng LRT 1 ang naghain ng mungkahi na magkaron ng P9 na average fare increase. Ayon sa petisyon na inihain, ang sa ngayon na minimum fare na P15 ay magiging P17 habang ang end-to-end the fare mula sa Roosevelt hanggang Baclaran ay tataas ng P44 mula sa dating P30.
Ginigiit ng Bayan na walang jurisdiction ang DOTr tungkol sa gagawing pagtataas ng pamasahe.
“While the DOTr can regulate land transportation under existing policies, it is the Public Service Act through the Public Service Commission that expressly and specifically regulates railways as a public service. The only regulatory power DOTr has with regards to railways, as per enabling law, is the issuance of certificates of public convenience and inspection and registration,” dagdag ng Bayan.
Diniin din ng Bayan na ang Rail Regulatory Unit (RRU) ng DOTr na siyang nagsasagawa ng hearing para sa petisyon ng fare increases ay hindi isang independent regulatory body sapagkat ang DOTr secretary ay siyang approving authority at ang isang miyembro ng LRTA board ay ang DOTr undersecretary ng sektor ng railways. Ang RRU ay binuo lamang ng isang department order kung saan ito ay hindi puwedeng maging superior sa batas tulad ng Public Service Act.
Habang ang DOTr secretary ay siyang chairman ng LRTA board kung saan ito ay siyang petitioner ng fare hike.
“The DOTr secretary’s signature appears on the LRTA board resolution that approves the proposed fare hike and that he is also immediate superior of the MRT3 general manager who can only file a petition for fare hike upon authorization by the DOTr secretary,” dagdag ng Bayan.
Nilinaw din nila na hindi puwedeng maging magkasabay na approving authority at petitioner ang DOTr na kanila rin ginamit na rason ng kanilang tinaas ang usapin tungkol sa fare hike noong 2015.
Nanindigan sila na hindi na kailangan ang fare hike dahil ang MRT 3 at LRTA ay parehas na binibigyan ng subsidies ng pamahalaan. LASACMAR
-
P150 umento sa sahod sa private sector, iginiit
DAHIL sa sobrang mahal ng mga bilihin, isinulong sa Kamara ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang across the board wage recovery na P150 umento sa arawang sahod ng private sector employees. Sa House Bill (HB) No. 7871 ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Representative at House […]
-
Limited face-to-face classes sa mga low risk areas
Binigyang diin ng Malacañang na ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limited face-to-face classes ay para lamang sa mga paaralang nasa ilalim ng low risk area classification o mga nasa modified general community quarantine (MGCQ) o nasa transition phase na ng MGCQ papuntang new normal. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon pa […]
-
Jay Sonza, kinasuhan ni Julia Barreto ng Cyber Libel sa NBI
SINAMPAHAN kahapon ng kasong paglabag sa Cybercrime case ng aktres na si Julia Barreto , ang dating broadcaster na si Jay Sonza sa National Bureau of Investigation(NBI),kahapon ng tanghali kaugnay sa pahayag nito na siya ay buntis at ang ama ay si Gerald Anderson. “Andami ko na ring pinagdaanan, ang dami ko na rin […]