• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sikat na sikat at ramdam pati ng parents niya: DAVID, never talagang inisip na magiging artista

TULOY ang showbiz career nina Jan Marini at mister niyang si Gerard Pizarras sa pamamagitan ng manager nilang si Rams David ng Artist Circle Management.

 

Pareho silang freelancer, hindi sila nakatali sa kahit na anong TV Network, ang pinakahuling serye ni Jan ay sa Kapamilya Network, ang ‘A Soldier’s Heart’.

 

“Pero inabutan yun ng pandemic so na-cut short, hindi ko na natapos. Ang huli ko naman show sa GMA, I’m not sure pero baka yung ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ with Andrea Torres, I’m talking about full-length regular, ha?

 

“Nag-Wish Ko Lang na rin ako, yung Wish Ko Lang yung talagang balik ko, talagang full taping nitong pandemic, after the lockdown. Nag-number one daw yung episode na yun, natuwa naman ako kasi first appearance ko yun for so long.”

 

Si Gerard naman ang pinakahuli niyang show sa GMA ay ‘Magpakailanman’.

 

Napasok sila sa talent management ni Rams noon ng may magbalita sa kanila, ang Production Manager na kaibigan nila, si Redgyn Alba ng GMA, na magre-resign na si Rams sa production ng GMA at magtatayo ng sarili nitong artist management.

 

“That was 2013, kasi kami after Mr. M hindi na kami nagpa-manage sa kahit sino so naisip lang din namin, sige nga, para may representation and kaibigan din naman namin si Rams, naka-work namin several times so iyon, thankfully okay naman sa kanya.

 

“So nagkaroon kami ng a few years of working together and then nagpaalam kami for a while kasi nag-full time ako as a home-schooling mom.”

 

By homeschooling mom, ang ibig sabihin ni Jan ay siya ang naging guro ng kanilang mga anak dahil nga nagsara ang mga eskuwelahan dahil sa pandemya.

 

“Parent educator is what it’s called, so seven years ko na yung ginagawa so naka-enroll kami as a family sa provider, meaning para ma-credit yung mga itinuturo ko.

 

“Kailangan yun, otherwise ako ang didirekta sa DepEd to present my kids’ grades so ngayon para mapadali yung sistema I enrolled in a homeschool provider kung saan doon ko na sina-submit yung grades.

 

“And we decided to enroll in the US so technically US graduate sila. Ginagamit namin yung curriculum ng American school, accredited doon.

 

“Para i-honor din yung mga units na itinuro mo sa anak mo. That’s why yung daughter namin after ko siyang mag-homeschool hanggang  senior high, she’s now enrolled at the Ateneo.”

 

Dalawa ang anak nila; si Rian ay twenty-one year old girl at si Rain naman ay fifteen-year old boy.

 

 

***

 

 

WALA na sa ere ang ‘Maria Clara at Ibarra’ pero umaarangkada pa rin ang career ni David Licauco.

 

 

Ano ang reaksyon ng kanyang pamilya sa kanyang tinatamasang popularidad ngayon.

 

 

“Wala naman,” at natawa si David na binansagang ‘Pambansang Ginoo’ dahil sa pagganap niya bilang Fidel sa MCAI.

 

 

“Ano ba… siyempre natutuwa sila for me, I mean kumbaga kasi nung bata ako never kong inisip na maging artista ako.

 

 

“So naging artista ako kumbaga big deal yun for them. Tapos ngayon na mas nakikilala ako and kung nasa labas kami parang medyo kumbaga mas napapansin ako tsaka maraming nagse-send ng message sa mom ko, sa dad ko, kumbaga may nagpapapiktyur na rin sa kanya so for sure matutuwa naman siya, hindi naman siguro siya naba-bad trip or anything.”

 

 

Ano ang hobbies o pampa-relax ng isang David Licauco?

 

 

“Naku! Basketball. Nagdyi-gym pa rin ako everyday.”

 

 

Mahilig ring magpamasahe at magpa-spa si David, sakto nga na endorser siya ng Blue Water & Day Spa.

 

 

Samantala, muling mapapanood ang tambalan nina David at Barbie Forteza sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko: Lady and Luke’, tuwing Linggo, mula March 12 hanggang April 2  alas sais ng gabi.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • 3×3 BASKETBALL TOURNEY, SABAY SA 45TH PBA OPENING

    UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Marso 8.   Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts […]

  • Panelo, pinalutang ang ‘conspiracy theories’ sa VP Sara impeachment

    NANINIWALA si dating presidential legal adviser Salvador Panelo na hindi malayong magong ‘political martyr’ si Vice President Sara Duterte dahil na rin sa pilit na pagtutulak ng mga “nobodies” at “insecure and power hungry lawmakers” sa Kongreso para sa kanyang impeachment.   Sa isang kalatas, tinukoy ni Panelo ang ilang insidente na aniya’y nagpapakita na […]

  • ‘US spy plane nagpanggap na PH aircraft nais subukan ang China; PH codes ‘di dapat gamitin’ – Esperon

    NANINIWALA si National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr, na nais lamang subukan ng United States kung ano ang magiging reaksiyon ng China ng magpanggap ang US Air Force surveillance aircraft na Philippine aircraft at ginamit nito ang pass code habang dumadaan sa Yellow Sea.   Ayon kay Esperon hindi dumadayo ang mga aircraft […]