• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, magbibigay ng cash-for-work sa mga residenteng apektado ng oil spill

NAKAHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng cash-for-work assistance sa mga residenteng apektado ng  oil spill dahil sa lumubog na motor tanker MT Princess Empress sa bayan ng Naujan sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 28, 2023.

 

 

Sinabi ni DSWD Scretary Rex Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang departamento sa local government units (LGUs) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), pinuno ng inter-agency tasked para sa programang ito.

 

 

Ani Gatchalian, ang mga lugar na bibigyan ng pansamantalang paraan ng hanapbuhay ay ang mga bayan ng Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Naujan, Pinamalayan, Pola at Roxas sa Oriental Mindoro; Caluya sa Antique; at Agutaya sa Palawan.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng Kalihim na maliban sa Oriental Mindoro, nakatanggap din siya ng ulat na kumakalat na ang oil spill sa lalawigan ng  Antique at Palawan at ang mga residente sa mga nasabig lugar ay mangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.

 

 

“So, these two areas (Antique and Palawan), we are now working hard on making sure na may makakain iyong mga nakatira doon, whether its food packs or emergency cash transfers,” ani Gatchalian.

 

 

Bukod naman sa cash-for-work,  plano rin ni Gatchalian na magpatupad ng panibagong programa sa uri ng Emergency Cash Transfer (ECT) program para sa mga apektadong residente.

 

 

“Naging agreement namin ng DENR at noong local government nila, ng provincial government, at instruction din ng ating Pangulo is to make sure na yung mga locals natin mga fisherfolk na affected ay maging bahagi ng solusyon,” ayon kay Gatchalian.

 

 

Samantala, sa kasalukuyan, nakapagbigay na ang DSWD ng P3.1 milyong halaga ng food assistance sa mga apektadong  lokalidad sa Oriental Mindoro at Antique.

 

 

Patuloy namang makikipag-ugnayan ang DSWD sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at lokalidad upang matiyak na maayos na maibibigay ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng oil spill. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Delayed’ allowance ng mga athletes, coaches makukuha na – PSC

    Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na malapit nang matanggap ng mga atleta at mga coach ang kanilang monthly allowance matapos ang ilang delay.   Pahayag ito ng PSC kasunod ng naging panawagan ni Sen. Christopher “Bong” Go na ibigay na dapat ang allowances ng mga athletes at coaches.   Ayon kay PSC Commissioner Ramon […]

  • Malabon, binahagi sa Germany conference ang mga estratehiya ng LGU para mapabuti ang paghahatid ng serbisyo

    SI MALABON City Administrator Dr. Alexander Rosete na nagsilbi bilang speaker sa Executive Program in International Relations and Good Governance: Constructing World conference at Karlshochschule International University sa Karlsruhe, Germany ay ibinahagi sa mga lider ng industriya ang mga estratehiya ng Pamahalaang Lungsod kung paano mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga residente tungo […]

  • Tax break sa e-motorcycles posible sa pagrepaso sa EV incentives

    NAKATAKDANG repasuhin sa susunod na linggo ang executive order na nagbabago sa tariff rates para sa electric vehicles (EVs), kung saan posibleng maisama ang e-motorcycles sa listahan ng mga sasakyan na nakikinabang sa tax breaks.     Naunang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan na ang Executive Order No. 12, […]