• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Delayed’ allowance ng mga athletes, coaches makukuha na – PSC

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na malapit nang matanggap ng mga atleta at mga coach ang kanilang monthly allowance matapos ang ilang delay.

 

Pahayag ito ng PSC kasunod ng naging panawagan ni Sen. Christopher “Bong” Go na ibigay na dapat ang allowances ng mga athletes at coaches.

 

Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, natugunan na raw nila ang isyu sa delay ng mga allowance, na posible na raw maging available bukas, araw ng Lunes.

 

Paglalahad pa ni Fernandez, ang pagkaantala sa paglalabas ng pera ay bunsod ng coronavirus pandemic, ngunit sa tulong ng Landbank ay kanila na raw naresolba ang problema.

 

Sinabi pa ng opisyal na may empleyado ng Landbank ang nagpositibo sa COVID-19, kaya lalong na-delay ang processing ng mga allowance.

 

“Third week of July, inaayos na ‘yan. Had to redo payroll computations and coordination with Landbank on payroll system but all of a sudden, nag-lockdown sila for two weeks at may nag-positive na employee nila,” ayon kay Fernandez.

 

“But hopefully, release na siya by Monday,” dagdag nito.

 

Kamakailan nang maglabas ng statement si Go na nakatanggap daw ito ng mga reports na na-delay daw ang allowance ng mga atleta at coaches para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

 

Tinawag din ni Go, na malapit sa Pangulong Rodrigo Duterte, ang pansin ng PSC na tugunan ang sitwasyon, habang nag-alok din ito ng tulong sa ahensya bilang siya rin ang nakaupong chairman ng Senate Committee on Sports.

Other News
  • Kai Sotto babalik muli ng PH para sa Fiba Asia Cup qualifiers

    Inaasahang darating sa pilipinas ang 7-foot-3 basketball prodigy na si Kai Sotto upang maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga.     Ang 19-anyos na na si Sotto ay una nang pumirma sa koponan na Adelaide Tigers na naglalaro sa Australian professional league ay kinailangan munang sumailalim […]

  • Sasalubong sa mga consumers sa Disyembre 1… P2 hanggang P3 na umento sa presyo ng liquefied petroleum gas, posible

    POSIBLENG magkaroon daw ng umento sa presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Disyembre.     Ayon sa mga energy sources, papalo sa P2 hanggang P3 ang nakikita ng mga Department of Energy (DoE) na dagdaga sa presyo ng kada litro ng LPG.     Katumbas ito ng P22 […]

  • ‘Roving teachers’ sa mga low COVID-19 risk areas, inirekomenda

    IMINUMUNGKAHI ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga pamahalaan na magkaroon ng “roving teachers” sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmission risk.   Naniniwala ang chairman ng Senate education committee na mas ligtas na pamamaraan ito kaysa buksan ang mga paaralan sa low-risk areas ng 30 percent sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.   […]