Utos ni PBBM sa DND, sugpuin ang ‘criminal activities’ sa Negros Island
- Published on March 14, 2023
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of National Defense (DND) na sugpuin ang “criminal activities at impunity” sa buong Negros Island.
Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa na pawang mga biktima ng pagpatay matapos tambangan noong Marso 4.
“And to give justice to the families and loved ones of those who were slain in the assassination of Governor Roel Degamo and restore normalcy and confidence of our people,” ayon kay Galvez sa isang panayam.
Nagbigay din aniya si Pangulong Marcos sa kanya ng verbal orders na lumikha ng joint task force na binubuo ng dalawang brigada para paigtingin at tulungan ang nagpapatuloy na joint Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police (AFP-PNP) operations.
“This joint task force is tasked to carry out Marcos’ order and search warrants,” diing pahayag ni Galvez.
“Also we have just deployed a 50-man specially-trained strong Light Reaction Company, kung alam nyo po yung light reaction company, they were involved in the Battle of Marawi (in 2017) from the deployment of the AFP to monitor the remaining suspects,” dagdag na wika nito.
Ang deployment ng nasabing special troops ay pagbibigay-diin lamang sa naunang pahayag ng Pangulo na “the suspects can run but cannot hide.”
“As the President had said that we will give justice to the family and sabi niya na suspects, you can run but you cannot hide, we will find you,” ani Galvez. (Daris Jose)
-
No. 6 top most wanted person ng Zamboanga City, nalambat ng NPD sa Pasay
NATIMBOG ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa isinagawang manhunt operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City ang No. 6 top most wanted person ng Zamboanga City dahil sa kasong Rape. Ayon kay DSOU chief PLt. Col. Jay Dimaandal, ang pagkakaaresto kay Crisostomo Amotan, 37, warehouse […]
-
‘Di lamang ilaw, haligi rin ng pamilya nila: DENNIS, naging emosyonal sa birthday message niya kay JENNYLYN
DAHIL sa pag-o-open-up ni Pokwang sa social media ng mga pangyayari sa pagsasama nila ng ama ng bunsong anak na si Lee O’ Brian, may mga hindi sang-ayon sa ‘TikToClock’ host, may mga namba-bash dito. Pero marami pa rin naman ang pumapanig. Sa isang banda, personally, naiintindihan namin siya. Maaaring pangit lang […]
-
Galvez, nahhirapang makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, gamot para sa covid 19 patient
INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila […]