• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 football club officials kulong sa stadium crush sa Indonesia

Pagkakakulong  ang naging  hatol sa dalawang football club officials sa Indonesia dahil sa madugong stadium crush noong Oktubre na ikinasawi ng 135 katao.

 

Naganap ang Kanjuruhan stadium crush sa Malang, East Java ng magpakawala ng tear gas ang mga kapulisan sa mga fans na lumusob sa football field.

 

Nakitaan umano ng korte sa Indonesia ang organizers ng home club na Arena FC na guilty sa criminal negligence na naging sanhi ng kamatayan ng maraming katao.

 

Si Abdul Harris ang chairman ng home club organizing committee ay hinatulang makulong ng 18 buwan, habang nag security officer ng club na si Suko Sutrisno ay nahatulang makulong lamang ng isang taon.

 

Base sa ginawang pagsisiyat ng korte, bigo ang mga opisyal na maglagay ng anumang safety measures na naging dahilan ng pagkamatay ng maraming fans.

 

Dismayado naman ang mga pamilya ng biktima ang hatol dahil unang inirekomenda ng piskalya na makulong ang mga respondents ng hanggang anim na taon. (CARD)

Other News
  • Tineg, Abra niyanig ng magnitude 6.7 na lindol

    NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindolo ang Tineg, Abra.     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naramdaman ang lindol dakong 10:59 ng gabi na may lalim na 28 kilometers.     Naramdaman ang intensity 5 sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity 4 sa lungsod ng Baguio.     Pinawi naman ng […]

  • PBBM: Pinas nahaharap sa ‘water crisis’

    INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis sa tubig kaya nilagdaan niya ang Executive Order (EO) na lilikha sa Office of the Water Management.     Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Edition Water Phi­lippine Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na seryoso […]

  • Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon

    LUMOBO pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto.     Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar.     Sa […]