Tiamzon mamumudmod ng mga bola’t net sa LuzVi
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
MAMAMAHAGI ng bola at net ng volleyball bilang Pamasko niya sa mga kabatan si Premier Volleyball League (PVL) star Nicole Anne Tiamzon sa ilang sa Luzon at Visayas.
Ito na ang huling proyekto ngayong taon ng ‘YSK Outreach ng Spike and Serve Philippines Incorporated’ na pinamumunuan mismo ng dalagang balibolista
Kaya nanawagan pa ang BanKo Perlas Spikers na outside spiker at team skipper sa mga may ginintuang puso na gusto siyang samahan sa kanyang kawanggawa sa nalalapit na pagtitipon.
“If meron kayong mga gamit na bola, pero pwede pa gamitin, and if you guys have an extra net na hindi niyo na rin ginagamit hope you can donate it to us so we can send it to the communities who needs our help especially the victims of the typhoons (coz na-washed-out din even their volleyball equipment,” wika ng 25-anyos at may taas na 5-6 na beteranang manlalaro.
Pinanapos niyang lahad: “This will be our Christmas gift to them para if okay na lahat and pwede na ulit maglaro they can use it na agad!”(REC)
-
Anytime ay isisilang na ang first baby nila ni Greg: ANGELICA, ‘di na makapaghintay na maibigay ang regalo sa kanyang ‘rare one’
MASAYA talaga ang actress na si Angelica Panganiban ngayon. Nakikita ito sa aura niya at iba rin ang mababakas na contentment sa kanya. Kaarawan ng kanyang partner, ang ama ng magiging anak niya na si Greg Homan. Obviously, naging malapit na rin talaga kay Greg ang mga kaibigan ni Angelica tulad ng very close […]
-
Richard Bachmann: New PSC Chairman
Tinalaga ng Malacañang si Richard Bachmann bilang bagong Chairperson ng Philippine Sports Commission (PSC). Ang dating University Athletic Association of the Philippines Commissioner ay magiging kapalit ni Noli Eala, na nai-appoint ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong buwan lamang ng Agosto. Maliban sa pagiging bahagi ng Athletic Association, naging team governor […]
-
EDU, iginiit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider
TAGLAY ni Vice President Leni Robredo ang malinaw at kongkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9. Ito ang siniguro ng aktor na si Edu Manzano sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema […]