• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.

 

 

Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.

 

 

Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.

 

 

Ayon kay King ay isa sa mga inaalala niya ay kung ano ang kanyang gagawin kapag nag-away sina Bianca at Ruru.

 

 

Na siyempe, kapag nagkagalit ang magkasintahan, may epekto iyon sa mga sweet moments ng dalawa sa show.

 

 

“Then one day, lumapit sa akin yung isa sa mga crew, ‘Direk, may nag-a-unfollow ng IG.’ ‘Sino yun?’ Siyempre kilala natin yun,” umpisang pagbubulgar ng direktor.

 

 

“Tapos nag-worry talaga ako. ‘Nasaan si Bianca?’ Nasa tent, direk.’ ‘Ano ginagawa?’ ‘Wala. Walang kinakausap.'”

 

 

At nasabi raw ni King sa sarili niya, “Ito na sinasabi ko, e.”

 

 

Nagkunwaring walang alam sa nangyayari si King nang puntahan niya si Bianca para bigyan ng instructions sa gagawing eksena kasama si Ruru.

 

 

Lihim na nagdasal na lang raw siya na maging maayos ang eksena, na siya namang nangyari; ni hindi raw mahahalatang may tampuhan sina Ruru at Bianca nang gumigiling na ang kamera, na ikinabilib niya sa kanyang mga artista

 

 

“Pero ang galing lang. Sobrang professional. Parang okay naman sila. Ang galing pa rin ng performance,” sabi ni direk King.

 

 

Maliit na tampuhan lang umano ang namagitan kina Bianca at Ruru at mabilis rin naman silang nag-follow sa IG ng bawat isa.

 

 

***

 

 

DAHIL isang figure skater ang papel ni Xian Lim sa ‘Hearts On Ice’, nausisa siya kung paano niya ito pinaghandaan gayong hindi naman siya figure skater sa tunay na buhay.

 

 

“At first they gave me a couple of sessions sa skating rink and then after po nun sabi ko since pinasok ko I need to enroll to be able to keep up with the skills of course nina Ashley and all the skaters that will be part of the series, kasi buong buhay nila talaga itong ginagawa, it’s their sport, and nakakahiya naman po kung papasok ako dito na wala akong alam sa mundo nila.

 

 

“So as much as possible, araw-araw, makikita nila ako doon, nila Ashley (Ortega), ni Skye Chua, may isang dambuhalang nahuhulog sa yelo, gumugulong-gulong, ako po yun,” ang tumatawang kuwento ni Xian.

 

 

“But it’s really fun, and very inspiring as well and uplifting dahil yung skating community napakabait po nila.”

 

 

Kumusta ang rapport o chemistry nila ni Ashley at bilang leading lady?

 

 

“I think na-break yung ice when nakikita niya akong, well nung mga first couple of sessions sa skating rink so iyon yung mga times na nahuhulug-hulog, well nagtatawanan lang talaga kami, e.

 

 

“And I think that really helped para mawala yung hiya namin sa isa’t-isa.

 

 

“Naku si Ashley, napakabait,” dagdag pa ni Xian.

 

 

“Mabait ho siya, she’s very enthusiastic and supportive and very patient at the same time.

 

 

“Palagi niyang sinasabi na, ‘Okay huwag kang ma-pressure, just take your time.’”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Independent panel na mag-iimbestiga sa mga naganap na summary executions noong drug war, pinabubuo

    HINIKAYAT ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan si Presidente Marcos na magbuo ng isang independent fact-finding commission na siyang mag-iimbestiga sa extrajudicial killings na may kaugnayan sa kontrobersiyal na war on drugs noong nakalipas na administrasyon.     “We urge the President to form a panel – similar to the Agrava Fact-Finding Board – […]

  • Hindi napigilang ikuwento ni Betong: ALDEN, nakadalawang balikbayan box sa regalo ng mga kababayan

    HINDI puwedeng mali-link sina Bea Alonzo at Carla Abellana sa kanilang leading men sa ‘Widows’ War’ dahil married na sina Rafael Rosell at Benjamin Alves.       Kinumpirma ni Rafael na kasal na siya sa longtime girlfriend na si Valerie Chia. Kinasal sila during the pandemic in April 2020.       “It was […]

  • DOJ, hindi ititigil ang imbestigasyon laban kay VP Sara Duterte

    TINIYAK ng Department of Justice na hindi nila ititigil ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban kay Vice President Sara Duterte.       Ito ay may kaugnayan sa naging assassination remarks ng bise sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., FL Liza Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kamakailan.   Kinumpirma ni Justice Undersecretary Jesse […]