2 bata ni Pacquiao mas bet sa amo si McGregor
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
MAS gusto ng kampo ni World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel Pacquiao na si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) featherweight at lightweight titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland ang makalaban sa papasok na taon.
Ito ay kaysa kina World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) ruler Errol Spence Jr. at World Boxing Organization (WBO) title holder Terrence Crawford ng kapwa EstadosUnidos.
Ayon ito Huwebes kina Jayke Joson, special assistant at business partner ng Pinoy ring icon, at Arnold Vegafria, business manager ng eight-division world boxing champ, lalo’t pa’t handa anilang gastahanang bakbkan ni Paradigm Sports Management president Audie Attar sa 2021 sa Dubai, United Arab Emirates.
Si Attar ang manager din ni mixed martial arts star McGregor, binayaran ang kanyang bata ng $130M
(P6.2B) nang labanan si four-division world professional men’s boxing champion Floyd Mayweather Jr. ng USA na tumanggap ng ng $270M (P12.9B)
Tiwala ang dalawang opisyal na limpak din ang kikitain ng kanilang amo kung si McGregor ang kakasahan kaysa sa sinuman sa dalawang Amerikano.(REC)
-
Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral. Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series […]
-
LTO enforcer na sinagasaan ng SUV, binigyan ng pagkilala
PINAPURIHAN ng Land of Transportation Office (LTO) ang Field Enforcement Division, Law Enforcement Service na si Butch S. Sebastian dahil sa tapat niyang paglilingkod sa kanyang tungkulin bilang isang Law Enforcer Officer. Personal na iniabot ni LTO Assistant Secretary Atty Teofilo Guadiz III kay Sebastian ang Certificate of Commendation na ginanap sa LTO […]
-
OFW hospital itatayo na, DOFW Bill isusunod
PINANGUNAHAN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang groundbreaking ceremony ng itatayong kauna-unahang overseas Filipino workers (OFW) Hospital sa bansa na makikita sa San Fernando City, Pampanga kasabay ng pagtiyak na patuloy niyang itinutulak ang pagpapasa ng batas na layong magbuo ng isang departamentong tututok sa pangangailangan at hinaing ng OFWs. Ayon kay Sen. […]