3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at na-recruit para magtrabaho doon bilang mga domestic helper.
“Ang mga sindikatong ito ng trafficking ay nagpapatuloy sa kanilang mga karumal-dumal na aktibidad ngunit hindi namin luluwagan ang aming pagbabantay sa pagpigil sa kanilang mga biktima na umalis at maligtas mula sa kasamaan ng human trafficking,” anito.
Ayon kay Elsie Lucero, BI-NAIA T3 Terminal head, naharang ang tatlong pasahero noong Marso 10 at 12 sa nasabing paliparan. Ang tatlo ay inilipat sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang mga recruiter. (Gene Adsuara)
-
Unreleased Bayanihan 2 funds, pinabubusisi
Mahigit 30 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihikayat sa na magsagawa nang imbestigasyon sa pagpapalabas at paggamit ng pondo na inilaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act. Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, isa sa mga awtor ng House Resolution 1558, kailangang […]
-
Isko, balik-Maynila dahil sa utang na loob sa mga Manilenyo
TAHASANG sinabi ni dating Manila Mayor Isko Moreno na ang pagbabalik Maynila niya ay pagpapatuloy ng kanyang pagtanaw ng “utang na loob” sa mga Manileño. Sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections (Comelec) kahapon, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Moreno sa pagka alkalde kasama ang […]
-
CARLA, bumiyahe sa New York para mabili ang dream wedding dress sa kanyang dream designer
HAPPY na ang Kapuso actress na si Carla Abellana dahil pinayagan na siyang bumiyahe to New York para makuha na niya ang kanyang dream wedding dress. Dahil sa magkasunod na trabaho, tatlong beses daw siyang nagpaalam sa mga boss sa GMA Network bago mapayagang mag-abroad para mabili ang dream wedding dress mula sa […]