Magpi-PBA hindi na daraan sa D-League
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na magiging batayan ng mga papasok sa 37th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 ang paglalaro sa PBA Developmental League.
“Tatanggalin na ‘yung application ng D-League,” pahayag kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Wala nang pre-requisite na D-League.”
Kasunod ito sa paglalabas na rin ng professional hoops league ng applications para sa mga rookie hopeful, pagsasabayin na ang deadline ng submission ng application forms para sa local at foreign-born players.
“January 27 deadline for both local and Fil-Ams,”hirit ni Kume.
Inaayos na rin ang drafting, kung paano ang sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc (SBPI).
Noong Disyembre ng nakaraang taon, nagkaroon ng Special Draft bago ang Draft proper. Ang limang hinugot sa special proceedings ay naging core muna ng pool ng Gilas Pilipinas ng SBPI– magsisilbi sila sa National team bago pumanik sa kani-kanilang mother teams sa PBA.
“Hindi pa natin alam kung sino ang mga papasok (sa draft),” panapos na sambit ni Marcial. “Hindi pa alam kung ‘yung mga (naunang lima) ire-release na nila. ‘Pag nakuha namin ‘yung lineup, magmi-meeting pa ulit kami.” (REC)
-
PAGBAWI SA PRODUKTONG NOODLES, INIIMBESTIGAHAN
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration (FDA) sa ulat ng pagbawi o pag-recall sa isang produkto ng noodles . Sa inilabas na FDA Advisory ni Officer in Charge Director General Dr.Oscar Gutierrez, Jr para sa mga konsyumer, sinabing nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa food business operator upang suriin ang kanilang […]
-
Doha napiling host ng 2030 Asian Games
Napili ang Doha bilang host ng 2030 Asian Games. Kinumpirma ito mismo ng Olympic Council of Asia (OCA) kung saan magiging host naman ang 2034 ang Riyadh. Ayon kay OCA president Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah, na isinagawa ang paggawad matapos ang board meeting ng OCA. Naantala pa ng ilang oras ang nasabing […]
-
Pagdiriwang ng ika-22nd Cityhood Anniversary ng Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagdiriwang ng ika-22nd mula nang maging isang highly urbanized na lungsod ang Malabon sa pamamagitan ng mga programa, mga aktibidad at pagpaparangal para sa mga empleyado nito sa City Hall na naglingkod nang mahigit 10 hanggang 40 taon. Inorganisa ng mga opisyal ng Lungsod ng Malabon ang Gabi […]