• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasa Amerika na para ituloy ang pag-aaral: Anak ni MARK ANTHONY na si GRAE, nanggulat sa sexy photo

NANGGULAT sa social media ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez.

 

 

Pinost nito sa kanyang Instagram na shirtless siya. Nilagyan niya ito ng caption na: “I miss the Heat.”

 

 

Kuha ang naturang sexy photo niya sa Miami, Florida. Bigla tuloy siyang pinagnasaan ng mga nag-init na accla!

 

 

Sumikat ang loveteam ni Grae at Kira Balinger sa teleserye na Ang Iyo Ay Akin sa ABS-CBN noong 2020. Yun na kasi ang naging huling TV appearance ni Grae bago ito nawala sa eksena.

 

 

Napag-alaman na pagkatapos ng kanyang teleserye noong 2021, lumipad ito for the US at doon na namalagi kasama ang kanyang mother. Dun niya pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral kaya iniwan niya pansamantala ang showbiz.

 

 

Sa ibang post ni Grae sa IG, ay mas mature na siya at lalo pang guwapo. At dahil 21-years old na siya, hiling ng mga accla na bumalik sa Pilipinas si Grae at maging celebrity endorser ng sikat na underwear brand.

 

 

Sayang naman daw ang katawan nito kung hindi niya ise-share!

 

 

***

 

 

UNTI-UNTI nang nakaka-recover si Carlos Agassi sa natamo niyang aksidente sa kanyang tuhod noong nakaraang taon.

 

 

Last month ay natanggal na ang cast sa kanyang kaliwang binti at maayos na siyang nakakatayo at nakakalakad. Pero kailangan pa rin daw niya ng physical therapy para bumalik ang dating lakas ng pareho niyang binti.

 

 

Post niya sa Instagram: “Leg update. surgical left leg 140 degree flexion and normal extension, good right leg normal but got bakers cyst from physiotherapy excersises, trying to regain the muscle size of surgical leg to right leg. lesson learn, do your own reserach and do whats good for you.

 

 

“No one else will endure, the pain, suffering and expenses of surgery medicine and rehab plus the effort, down time also of not being able to work and do normal routine, trust your gut feel trust yourself. love yourself.”

 

 

September 2022 noong maaksidente si Amir habang naglalaro ng baskteball. Napuruhan ang kaliwang tuhod niya at kinailangan niyang sumailalim sa isang surgery para maibalik sa dating puwesto ang kanyang tuhod. Nangamba noon si Amir na baka hindi na siya makalakad ulit dahil sa matinding sakit na pinagdaaanan niya habang nagpapagaling siya.

 

 

Ngayon ay mabilis nang nakakapaglakad si Amir at bumalik na siya sa pag-workout ng kanyang legs para muling bumalik ang mga nawalang muscles sa mga ito.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Memorandum of agreement

    PINIRMAHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Punong Barangay Domingo Elape ng NBBS Dagat-dagatan, Department of Science and Technology (DOST-NCR) Regional Director Engr. Romelen Tresvalles, at Technological University of the Philippines (TUP) Taguig Campus Director Dr. Rexmell Decapia, Jr ang isang memorandum of agreement na naglalayong pahusayin ang solid waste management sa urban waterways sa pamamagitan […]

  • LTO, nagpapalabas ng permit sa driving schools sa kabila ng invalid documents – COA

    PINUNA ng Commission on Audit (COA) ang ilang tanggapan ng  Land Transportation Office (LTO) para sa pagpapalabas ng permit o sertipiko ng accreditation o akreditasyon para sa  driving schools noong nakaraang taon  kahit pa ang mga isinumiteng dokumento ay  invalid o incomplete.  Sa pinakabagong audit report  para sa  Department of Transportation (DOTr), sinabi ng COA […]

  • Ads January 11, 2024