• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCO, hinikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente

SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat na pag-ibayuhin ang maayos at matipid na paggamit ng kuryente sa harap ng napipintong pagsapit ng panahon ng tag-init.

 

 

Sinabi ng PCO, hindi lamang sa mga kabahayan  dapat sanang ugaliing gawin ang pagtitipid ng kuryente ngayong nararamdaman na ang tag-init kundi maging  sa mga workplace.

 

 

Sa kabilang dako, ibinahagi naman ng PCO ang mga impormasyon ukol sa energy efficiency mula sa Department of Energy (DoE).

 

 

Para sa PCO, makatutulong ang paggamit ng mga ilaw na LED na tiyak  na makababawas sa konsumo ng kuryente habang maka-aambag din umano ang pagtitipid sa kuryente para makatulong sa environmental benefits at paglaban sa climate change.

 

 

Samantala sinabi naman  ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na ikinukunsidera ng gobyerno na magpatupad ng mas maagang pagbubukas sa mga tanggapan ng gobyerno partikular na ang alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para makatipid sa kuryente at ilagay sa 25 ang temperatura ng mga air condition sa mga government offices. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nangako na poprotektahan ang kapakanan ng mga OFWs, palalakasin ang partnerships sa host countries

    NANGAKO si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na palalakasin ang  partnerships sa mga bansang  nagho-host  ng overseas Filipino workers (OFWs).     Sa kanyang vlog  na ipinalabas, araw ng Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na titiyakin ng gobyerno ng Pilipinas ang proteksyon ng mga OFWs at ng kanilang pamilya bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa […]

  • Hotshots tinuhog ang quarterfinals

    KUMAWALA ang Magnolia sa third period patungo sa 103-83 pagpapalubog sa Phoenix para angkinin ang unang quarterfinals berth sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Nagsumite si import Mike Harris ng 20 points, 13 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa 6-0 record ng Hotshots habang may 18 markers si […]

  • COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts

    Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP).   Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay […]