COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP).
Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team.
“Sa ngayon umaasa tayong kaya pa rin iyan: katapusan ng August ma-flatten ang curve, or puwedeng kahit September siguro mangyari iyan,” aniya sa isang panayam.
Samantala, kahit pa ma-flat ang kurba, aabutin pa rin ng isa hanggang dalawang buwan bago maabot ang “very manageable” level.
“Hindi naman ibig sabihin flatten iyong curve, tapos na… Kaya kailangan, talagang continuous iyong effort natin. Hindi tayo puwedeng magpabaya kasi puwedeng magka-surge ulit iyan.”
Kasalukuyan namang isinasapinal pa ang UP OCTA Research Group sa ulat sa coronavirus hotspots para sa gobyerno. (ARA ROMERO)
-
2020 democracy index result, isang patunay na buhay at gumagana ang demokrasya sa Pilipinas
HINDI maituturing na major slip ang ulat ng think tank Economist Intelligence Democracy Index 2020, na umano’y nananatili Raw na bagsak ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung titingnan ang data result ng democracy index, lumalabas na naungusan talaga ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste ang pilipinas. […]
-
US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan
HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine. Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces […]
-
4 drug suspects timbog sa P1.2M shabu sa Caloocan
Arestado ang apat na drug suspects, kabilang ang top one drug personality ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz, dakong 10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba […]