• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cha-cha ‘word war’ sa pagitan ng Kamara at Senado, itigil na

HINIKAYAT ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso na mag-usap at ayusin ng pribado ang kanilang bangayan sa isyu ng  isinusulong na constitutional amendments ng Kamara sa halip na mag-away sa publiko.

 

 

Umapela pa ang mambabatas ng parliamentary courtesy at ayusin ng pribado ang pinagkakaiba ng opinion ng mga lider ng kongreso.

 

 

“Nagkakaroon tuloy ng word war between the Senate President and the Speaker (Martin Romualdez) and (House Committee on Constitutional Amendments) Chairman Rufus (Rodriguez), minsan nakakahiya e,” pahayag ng mambabatas sa radio program ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers nitong nakalipas na Biyernes na “Kape Kape Muna. Dapat e veteran legislators kami, kung ano man ang pinagkakaiba ng opinyon, settle privately.”

 

 

Nagsimula ang word war nang ihayag nu Senate President Zubiri na ang pagkaka-delay sa pagpapatupad ng implementing guidelines sa tatlong batas (1. Public Service Act; 2. Retail Trade Liberalization; 3. Foreign Investment Act) ay lumilitaw na dahil sa isinusulong ng charter change ng Kamara.

 

 

Inihayag naman ni Rodriguez na “unfair” ang alegasyon ni Zubiri sa mga mambabatas lalo na sa Speaker.

 

 

“Hindi namin kasalanan ‘yun (delay in the enforcement of the implementing guidelines of the three laws),” ani Barzaga.

 

 

Nilinaw naman ni Barzaga, isa sa mga mambabatas na nagsusulong ng amendments sa “restrictive” economic provisions ng Constitution, na kaya nagmamadali ang kamara na maaprubahan ito ay para makatipad ng pera, kung isasabay ang eleksyon ng Con-Con delegates sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa October.

 

 

“Kasi kung magkakaroon na naman tayo ng separate elections, in order to determine who shall be the Con-Con delegates ay talagang magastos yan at kukuwestunin na naman ng ating mga kababayan at ng mga critics ng ating administration,” pahayag pa ng kongresista. (Ara Romero)

Other News
  • Mga nabakunahang OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30

    Papayagan nang makapasok sa Hong Kong mula Agosto 30 ang mga manggagawang Pilipino na nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.     Pumayag na kasi aniya ang Hong Kong na tanggapin ang maipapakitang vaccine cards ng mga OFWs mula sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas.     Tinatayang aabot […]

  • Mahigit sa 60% nais ang code of conduct, alisin ng Tsina ang militia sa WPS -Pulse Asia

    MAHIGIT sa 60% ng mga Filipino ang nais na gamitin ang code of conduct na magsisilbing gabay sa aksyon ng mga claimants sa South China Sea, at para alisin ng Tsina ang coast guard at militia nito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas para pagaanin ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.     […]

  • May pantapat na ang TV5 kina Luis at Dingdong: JOHN, first-timer pero swak na swak na host ng ‘SPINGO’

    ANG larong Bingo na paborito ng mga Pilipino ay may bagong bihis na nagdadala ng susunod na antas ng paglalaro sa Philippine TV.     Sa pamamagitan ng international format, kasama ang first-time game show host na si John Arcilla, ipakikilala ng TV5 ang SPINGO, isang game show na maghahandog ng interactive na karanasan para […]