• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA BARANGAY TANOD SA TONDO, ISINAILALIM SA TRAINING AT SEMINAR

ISINAILALIM sa pagsasanay ang mga barangay tanod at iba pang opisyal ng barangay sa unang distrito ng Maynila sa Tondo upang maging bihasa at magkaroon ng kaalaman kaugnay sa kanilang tungkulin.

 

 

Ang nasabing pagsasanay ay inilunsad ng kapulisan sa pangunguna ni Manila Police District (MPD) Station 1 commander P/Lt. Col. Rosalino Ibay, Jr. na nilahukan ng may 2,500 tauhan ng barangay sa buong distrito na nagnanais na matuto ng kaalaman, hindi lamang sa wastong pagpapatupad ng batas, kundi maging sa mga programang may kaugnayan sa panahon ng panganib, kagipitan, kalamidad at iba pang uri ng sakuna.

 

 

Dahil maganda ang layunin, naglaan ng kaukulang pondo si 1st District Congressman Ernix Dionisio upang tustusan ang halos isang buwan na gagawing pagsasanay ng mga tauhan at opisyal ng barangay na sinimulan noong Marso 2.

 

 

Isinagawa ang karamihan sa mga pagtuturo at pagsasanay sa Patricia Sports Complex sa Gagalangin, Tondo kabilang ang paghubog sa kanilang kakayahan at kaalaman sa iba’t-ibang mga programa ng pamahalaan at mga law enforcement agency.

 

 

Tumulong at nagpadala naman ng kinatawan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) upang ibahagi sa mga tauhan ng barangay ang wastong pagtugon, pati na ang pag-angat sa kanilang kaalaman sa patuloy na paghahasik ng rebelyon ng mga komunistang grupo sa Pilipinas.

 

 

Malaki rin ang naibahagi ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ituro sa mga tauhan ng barangay ang mga tamang pamamaraan para makatulong sa pagsugpo ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

 

 

Hindi lamang iminulat sa kaalaman sa batas at mga umiiral na ordinansa ang mga barangay tanod kundi tinuruan din sila ng wastong pagtatanggol sa kanilang sarili sakaling malagay sa panganib ang kanilang buhay sa pagtupad sa tungkulin, pati na rin sa pagresponde sa mga kalamidad at iba pang uri ng sakuna.

 

 

Sa Marso 18, araw ng Sabado, idaraos naman ang Tanod Olympic Festival kung saan may nakalaang premyo sa bawa’t grupo ng barangay tanod na magwawagi na mula sa P10,000.00, P50,000.00 hanggang P100,000.00 premyo kung saan personal na dadaluhan ito nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo-Nieto. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Pintor timbog sa P200K shabu sa Valenzuela

    AABOT mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang pintor na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.   Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Kulog, 50, house painter at […]

  • Diaz kumpiyansa sa Olympic gold medal

    MALAKI ang paniniwala ni Hidilyn Diaz na mananalo na siya ng gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na iniurong lang ng July 23-August 8, 2021 sa Tokyo, Japan dahil sa pandemya.   Ito’y makalipas na madale ng 29 na taong-gulang,may taas na  4-11 at tubong Zamboanga City ang silver sa Rio de Janeiro, […]

  • Pinoy karate athlete James De los Santos muling nagwagi

    MULI na namang nakapagbulsa ng gintong medalya si Filipino karate James De los Santos.   Nakuha niya ang ika-17th gold medal niya sa Katana Inter Con- tinental Karate League e-Tournament.   Sa nasabing torneo ay nagtala ito ng 26.1 points unang pagkakataon.   Nahigitan ng 30-anyos ang pambato ng Costa Rica na si Juan Achio […]