• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US, nangako na tutulong sa oil spill cleanup drive-Galvez

SINABI ni Defense chief Carlito Galvez  na nangako ang gobyerno ng  Estados Unidos na  tutulong sa  cleanup drive sa oil spill sa Oriental Mindoro.

 

 

Iniulat ni Galvez kay Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na nangako si  US Secretary of Defense Lloyd Austin  na magde-deploy ng naval units para  tumulong sa cleanup operation sa nasabing lugar.

 

 

“I had a phone call last night with Sec. Austin at 7:45 p.m., they are committed to help in coordination with Japan and other countries,” ayon kay Galvez.

 

 

 

“In fact, as I’ve recommended, some of the exercise scenarios of the forthcoming ‘Balikatan’ exercises will be ‘real life’ and actual HADR (Humanitarian Assistance and Disaster Response) operations relative to the oil spill,” ayon kay Galvez.

 

 

Idinagdag pa nito na tiniyak ni Austin sa gobyerno ng Pilipinas na ang kanilang HADR team ay “now on their way to help and provide assistance in managing the oil spill.”

 

 

Winika pa ni Galvez  na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang paghahanap ng “expertise at technical support” ng ibang partner countries, gaya ng  France at United Kingdom, para pigilin ang  oil spill.

 

 

Iniulat din ni Galvez sa Pangulo na ang mga tauhan mula sa  Philippine Coast Guard (PCG)  ay binigyan ng  briefing ukol sa mga dayuhan na nagpaabot ng kanilang tulong sa pamahalaan sa nagpapatuloy na cleanup operations sa lalawigan. (Daris Jose)

Other News
  • Bilang pagsuporta sa magandang adbokasiya ng Musa: VINA, bonggang-bongga na rumampa sa ‘New York Fashion Week’

    TUWANG-TUWA si Vina Morales dahil sa bonggang-bongga siyang rumampa sa runway ng New York Fashion Week para sa Musa.   Pinag-usapan nga ang 46-year old na singer/actress na naging bahagi ng catwalk para sa isang layunin na malapit sa kanyang puso.   Caption niya sa IG post, “Such an honor to do the grand finale […]

  • PBBM, pinuri ang pagsisikap ng LGUs sa gitna ng pandemya

    KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktibong mga  hakbang ng local government units sa gitna ng COVID-19 pandemic.     Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos ang  2022 Galing Pook Awards na isinagawa  sa  Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.     “As your President, I’m deeply encouraged by the effective […]

  • PH ADULT-ANIMATED FILM ‘HAYOP KA! THE NIMFA DIMAANO STORY’ PREMIERES OCTOBER 29 ON NETFLIX

    NETFLIX released the first look for Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. The adultanimation film from the Philippines star- ring Angelica Panganiban, Sam Milby, and Robin Padilla is set to premiere on October 29, 2020 at 12:01 am.   Directed by Avid Liongoren, written by Manny Angeles and Paulle Olivenza, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano […]