• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 23rd, 2023

Ads March 23, 2023

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

adsmar_232023

US, nangako na tutulong sa oil spill cleanup drive-Galvez

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Defense chief Carlito Galvez  na nangako ang gobyerno ng  Estados Unidos na  tutulong sa  cleanup drive sa oil spill sa Oriental Mindoro.

 

 

Iniulat ni Galvez kay Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na nangako si  US Secretary of Defense Lloyd Austin  na magde-deploy ng naval units para  tumulong sa cleanup operation sa nasabing lugar.

 

 

“I had a phone call last night with Sec. Austin at 7:45 p.m., they are committed to help in coordination with Japan and other countries,” ayon kay Galvez.

 

 

 

“In fact, as I’ve recommended, some of the exercise scenarios of the forthcoming ‘Balikatan’ exercises will be ‘real life’ and actual HADR (Humanitarian Assistance and Disaster Response) operations relative to the oil spill,” ayon kay Galvez.

 

 

Idinagdag pa nito na tiniyak ni Austin sa gobyerno ng Pilipinas na ang kanilang HADR team ay “now on their way to help and provide assistance in managing the oil spill.”

 

 

Winika pa ni Galvez  na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang paghahanap ng “expertise at technical support” ng ibang partner countries, gaya ng  France at United Kingdom, para pigilin ang  oil spill.

 

 

Iniulat din ni Galvez sa Pangulo na ang mga tauhan mula sa  Philippine Coast Guard (PCG)  ay binigyan ng  briefing ukol sa mga dayuhan na nagpaabot ng kanilang tulong sa pamahalaan sa nagpapatuloy na cleanup operations sa lalawigan. (Daris Jose)

Dahil dumadaan sa ilang emotional issues: SUNSHINE, mapaglabanan sana ang bagong sakit na nararamdaman sa pagpanaw ng ama

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING black ang profile picture sa Instagram account ng actress na si Sunshine Dizon.

 

 

Nag-post din ito ng larawan kasama ang kanyang ama at caption kung gaano kasakit at nangungulila ang actress, wala pa itong ibang detalyeng inilagay.

 

 

Isang malungkot nga ang ipinost ni Sunshine sa kanyang IG kunsaan, nangungulila ito sa pagpanaw ng kanyang ama.

 

 

Kilala namin ang actress na talagang Papa’s girl at very close sa kanyang daddy. In fact, noong hindi pa pandemic, madalas na tuwing Kapaskuhan, kasama ang dalawang anak ay sa U.S. ito nagki-Christmas para makapiling ang daddy niya na do’n na naka-base.

 

Kaya malamang na nando’n din ito nang bawian ng buhay. Kung pagbabasehan naman ang Instagram post ng actress, tila huli niyang nakasama ang daddy niya noong Christmas ng 2021 kunsaan, nagpunta ito ng States.

 

Sa IG caption ni Sunshine, sinabi niya na, “I love you Papa. I never knew this kind of pain and longing. I will always be a Papa’s girl.”

 

Kamakailan lang nang mag-open-up si Sunshine na dumadaan siya sa ilang emotional issues. Kaya sana, mas mapaglabanan ni Sunshine ngayon ang bagong sakit na nararamdaman.

 

 

Sa isang banda, nitong Miyerkules ng gabi na rin lumabas ang karakter niya sa GMA Primetime series na “Mga Lihim ni Urduja” bilang si Iris Dayanghirang, ang ina nina Gem, Crystal at Onyx.

 

 

***

 

 

TULOY na tuloy na nga ang primetime series na gagawin ni Dingdong Dantes sa GMA Networks, ang “Royal Blood.”

 

 

Katulad nang una naming naisulat dito, ngayon na rin talaga ito sisimulan. Nagkaroon na ng story conference noong Lunes kunsaan, ipinakilala na ang bumubuo mg cast.

 

 

Kapansin-pansin na dalawa sa past leading ladies ni Dingdong na sina Rhian Ramos at Megan Young ay kasama sa cast. Pero this time, hindi sila mga love interest ng actor. Lalo na sa part ni Megan kunsaan, kasama rin ang mister niya na si Mikael Daez.

 

 

Ang “Royal Blood” ay tungkol sa kuwento ng pamilya, with Tirso Cruz III being the father of the family. Kung tama ang nakarating sa amin, wala halos maituturing na leading lady si Dingdong sa serye, kung meron man, hindi talaga magiging highlight daw ng kuwento at ito ay sa karakter ni Rabiya Mateo.

 

 

Masaya naman si Dingdong sa mga makakasama niya na parang reunion of sort na rin for him. Sabi nga niya sa kanyang Instagram post, “TGIS to Sana Ay Ikaw Na Nga, to Encantadia, to My Beloved, to Alyas Robinhood, to Stairway to Heaven, to Alternate- I’ve had the pleasure of working with almost all of the cast, staff, executives over the past 25 years! And now I’m thrilled to collaborate with the incredible talents of Lianne and Rabiya for the first time.”

 

 

Kasama rin sa cast sina Benjie Paras, Dion Ignacio at Arthur Solinap. With Direk Dominic Zapata as the director.

(ROSE GARCIA)

Ka-loveteam lang at never naging sila: KRIS, ‘di nire-replyan ni ALJUR kaya ‘di pa nakakausap

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ng aktres na si Sunshine Dizon na pumanaw na ang kanyang amang si Isagani Bengzon Dizon.

 

 

Idinaan ni Sunshine sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ang pagkumpirma sa malungkot na kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya nito lamang Miyerkules, March 22.

 

 

Kaakibat ng anunsiyo ni Sunshine ang isang throwback photo nila ng kanyang ama habang nakayakap ang aktres dito.

 

 

“I love you, Papa. I never knew this kind of pain and longing. I will always be a Papa’s girl,” ang inilagay ni Sushine sa caption ng kanyang post.

 

 

Ilan sa mga kaibigang nakiramay sa aktres ang nagpahatid ng mensahe tulad nina Carla Abellana, Angelika Dela Cruz, at Jackie Lou Blanco.

 

 

“I am so sorry for your loss, Ate Sunshine,” ang mensahe ng pakikiramay ni Carla.

 

 

“My condolences Mare to you and your family,” ang ipinaaabot naman ni Angelika.

 

 

“My deepest condolences Nak…” ang post naman ni Jackileou.

 

 

Hindi inilagay ni Sunshine ang dahilan ng pagpanaw ng pinakamamahal niyang ama.

 

 

Bahagi si Sunshine ng mythical primetime mega series ng GMA na ‘Mga Lihim ni Urduja’ kung saan gumaganap siya bilang si Iris Dayanghirang, ang matapang na ina ng mga tagapagmana ng mga hiyas ni Urduja.

 

 

 

***

 

 

 

SI Kris Bernal ang latest na humarap sa King Of Talk na si Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’.

 

 

Agad na nagtanong ang TV host kay Kris tungkol kay Aljur Abrenica na ka-loveteam ni Kris noong kapwa pa lamang sila nagsisimula sa showbiz ni Aljur.

 

 

“Naging kayo ba ni Aljur Abrenica?” pambungad na tanong ni Boy.

 

 

“’Yun ang hindi talaga. Love team lang talaga kami,” ang nakakagulat na sagot ni Kris dahil noon ay marami ang nag-akala na naging sila talaga ni Aljur.

 

 

“Hindi nagparamdam?” ang sumunod na tanong ni Boy.

 

 

Nagparamdam naman raw si Aljur sa kanya noon pero hindi ito natuloy sa pakikipagrelasyon, ayon pa rin kay Kris.

 

 

“Nagparamdam ng konti pero hindi nag-work as real couple, talagang as a love team lang. “

 

 

Dagdag pa ni Kris, may mga panahon din noon na hindi sila nagkakasundo ni Aljur pero hindi nila ito ipinapakita on cam.

 

 

“I guess, feeling ko naramdaman niya rin that time na parang hindi ako interested at saka may mga times na hindi kami nagkakasundo, e.

 

 

“Sa totoo lang, may times na magkaaway kami pero kailangan as a love team, sweet-sweetan kami,” anang aktres.

 

 

Matapos ito, napaamin din si Kris na hindi pa sila nagkakausap ngayon ni Aljur dahil ito sumasagot sa kanyang mga mensahe.

 

 

Tanong ni Boy sa aktres, “Yes or No, are you still friends with Aljur?”

 

 

Saglit naman na natahimik si Kris at masayang sinabi na, “Half.”

 

 

Paliwanag niya, “Hindi niya ako nire-replyan, Tito Boy, e. Ilang beses ko siya inaaya sa vlog ko, hindi niya ako nire-replyan.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Walang banta sa buhay ni Arnie Teves-PBBM

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni  Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo

 

 

“Ang sinasabi niya may banta daw sa buhay niya. Kami naman, the best intelligence we have is that we don’t know of any threat. Saan mangggaling ‘yung threat?” ayon kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview.

 

 

Tiniyak ng Chief Executive ang kaligtasan ng mambabatas sakali’t magdesisyon na siyang magbalik ng Pilipinas.

 

 

“Mayaman ka naman, may private jet ka naman eh, maglanding ka kung saan mo gusto. Sa Air Force base, maglanding ka sa Basa, papaligiran natin ng sundalo, walang makalapit ng isang kilometro,” ani Pangulong Marcos.

 

 

Itinanggi rin ni Pangulong Marcos ang sinabi ni Teves na isinangkot siya sa pagpatay kay Degamo dahil sa  e-sabong.

 

 

“Ang puno’t dulo nito ay e-sabong? Hindi ang puno’t dulo nito ay pagkapaslang kay Governor Degamo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Ikalimang taon na ito ng ‘national treasure’: VICE GANDA, tinanghal uli bilang ‘Most Trusted Entertainment & Variety Presenter’

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KASAMA uli si Vice Ganda sa mga pinagkakatiwalaang personalidad sa 2023 Reader’s Digest Trusted Brands awards.

 

 

Tinanghal ang “It’s Showtime” host bilang Most Trusted Entertainment & Variety Presenter, na binanggit ang kanyang likas na kakayahan na magpatawa at mapaiyak ng mga tao, na labis na nakaapekto at nakaiimpluwensya.

 

 

“His cultural impact makes him one of the country’s most successful entertainers,” ayon sa Reader’s Digest.

 

 

Dagdag pa, “Vice is a national treasure whose influential voice is heard in politics, philanthropic circles and, of course, as a much-loved comedian, entertainer and presenter. Vice uses his popularity to rally against discrimination of minority groups.

 

 

“This only adds to his authenticity, something that has secured him respect and trust across all sectors of the community.”

 

 

Ito na nga ang ikalimang magkakasunod na taon na itinanghal si Vice Ganda para sa parangal na ito.

 

 

Bukod sa komedyante at TV host, ang iba pang indibidwal na nagwagi ng mga parangal sa Most Trusted categories ay sina Mike Enriquez bilang Radio Presenter, Atom Araullo bilang TV Host For News & Current Affairs, at Alyssa Valdez bilang Sportsperson.

 

 

Nakuha ang mga nanalo pagkatapos ng isang independently commissioned survey, na ang mga resulta ay eksklusibong lumalabas sa Reader’s Digest Philippines.

 

 

***

 

 

AYON sa nilabas ng www.soompi.com, nagbabala ang ahensya na nangangalaga sa mag-asawang South Korean Superstars na sina Hyun Bin at Son Ye Jin tungkol sa ‘fake divorce news’, at posibleng mademanda ang mga nagpapakalat nito.

 

Narito ang statement sa article na pinublish:

Hyun Bin and Son Ye Jin are considering taking strong measures against fake news.

 

Previously on March 15, a video was posted on YouTube claiming that Hyun Bin and Son Ye Jin got a divorce by mutual agreement. The YouTuber also claimed in the video that Hyun Bin gambled abroad, causing Son Ye Jin to suffer financial loss, which led the two to break up.

 

Hyun Bin’s agency VAST Entertainment shared on March 20, “[The YouTuber’s claims are] groundless. It is fake news. We are constantly monitoring the rumors. We plan to take legal action after an internal review.”

 

Son Ye Jin’s agency MSteam Entertainment also remarked, “This is obviously fake news. We are constantly monitoring [the situation] internally, and we have already requested YouTube to delete the video. We will take strong measures, and we also plan to take legal action in relation to the content [of the video].”

 

Hyun Bin and Son Ye Jin tied the knot in March 2022 and welcomed their first child in November of the same year.

(ROHN ROMULO)

Arkong Bato Park sa Valenzuela City, bukas na

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary REX Gatchalian, kasama sina Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, City Councilors, Arkong Bato Punong Barangay at Council ang ribbon-cutting ng bagong gawang Arkong Bato Linear Park sa Marcelo H. del Pilar Street, Barangay Arkong Bato, Valenzuela City.

 

Magtagumpay din naibalik ang monumento ni Kapitan Delfin Velilla sa gitna ng park. “Hindi man ako ang congressman niyo ngayon, pero ‘yung [legislative] caretaker natin [Congressman Mark Enverga], susundan niya ang mapa na itinalaga natin.” ani DSWD Secretary Gatchalian. (Richard Mesa)

Rollout ng mga smuggled na asukal sa Kadiwa stores, sisimulan na sa Abril – DA

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ngayon ng Department of Agriculture na simulan na ang pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa mga Kadiwa store pagsapit ng buwan ng Abril ng taong kasalukuyan.

 

 

Ayon kay DA spokesperson Kristine Evangelista, sa ngayon ay isinasapinal pa ng kagawaran ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng mga ito upang maibenta na ito sa mga Kadiwa stores, Kadiwa on Wheels, at maging sa mga Kadiwa-accredited retailers.

 

 

Aniya, layunin nito na maibenta kada kilo sa mga Kadiwa stores at tinitignan na aniya sa ngayon kung gaano katagal ang itatagal ng mga supplies nito.

 

 

Ngunit nilinaw niya na sa oras na mapahintulutan na ang pagbebenta nito sa mga Kadiwa stores ay papahintulutan lamang na makabili ang isang pamilya ng maximum na dalawang kilo. (Daris Jose)

DTI, ipinag-utos ang price freeze sa mga basic good sa oil spill-hit areas

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS  ng Department of Trade and Industry  (DTI) ang  price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

 

 

Ipinalabas naman ng DTI MIMAROPA ang  price freeze bulletin  matapos ang  oil spill mula  MT Princess Empress Oil Tanker sa Balingawan Point na kumalat sa kalapit-lugar.

 

 

Idineklara naman ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 6290-2023, ang mga munisipalidad ng  Pola, Naujan, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao sa Oriental Mindoro sa ilalim ng state of calamity.

 

 

“Pursuant to Section 6 of RA 7581 or the Price Act as amended, the prices of basic necessities under DTI’s jurisdiction are automatically frozen at their prevailing prices effective March 6, 2023, but not more than 60 days,” ayon sa DTI.

 

 

Sa kabilang dako, ikinokonsidera naman ng DTI ang mga

– canned fish at iba pang marine products

– processed milk (evaporated, condenses at powdered milk)

– coffee

– laundry detergent/soap

– candles

– bread (tasty and pandesal)

– iodized salt

– instant noodles

– bottled water

bilang mga “basic necessities:”

 

 

“Violators may face imprisonment for a period of 1 to 10 years or a fine ranging between P5,000 to P1 million or both,” ayon sa DTI.

 

 

“DTI Oriental Mindoro is conducting intensified price and supply monitoring,” ayon pa rin sa DTI.

 

 

Samantala, sinabi naman ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na  may mahigit na 150,000 katao ang apektado ng malawakang  oil spill. (Daris Jose)

Mga bagong EDCA sites, nakakalat sa buong bansa

Posted on: March 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Pilpinas ang  mga bagong sites na magho-host sa American troops sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 

 

Sa katunayan, matatagpuan ang mga bagong EDCA sites sa  Palawan at sa hilaga at katimugang bahagi ng bansa.

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang mga bagong sites ay na-identify na kung saan ang pormal na anunsyo ay gagawin sa lalong madaling panahon.

 

 

“We’ll make a formal announcement. But yes, they have been identified,” ayon kay Pangulong Marcos, sabay sabing makikipag-ugnayan muna sila sa American authorities.

 

 

“So there are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north, there are some around Palawan, there are some further south. So iba-iba talaga. It’s really to defend our eastern coast,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Matatandaang, nauna nang inanunsyo ng Department of National Defense (DND)  ang deal o kasunduan na magbibigay ng access sa mga tropa ng amerikano sa apat pang bases sa  strategic areas ng bansa, layon nito na pabilisin ang  full implementation ng  EDCA.

 

 

Tinintahan noong 2014, “EDCA grants US troops access to designated Philippine military facilities, the right to construct facilities, and pre-position equipment, aircraft and vessels, but rules out permanent basing.”

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo nakausap na ng gobyerno ang mga  local government units na nagpahayag ng pagkabahala sa paggtatatag ng  EDCA sites sa kanilang lokalidad.

 

 

“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province. And mukha namang naintindihan nila,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. na ang lokal na pamahalaan sa Cagayan at Camarines Sur provinces ay bukas sa pagtatatag  ng  mga bagong EDCA sites sa kanilang lugar.

 

 

Ang limang kasalukuyang lokasyon ng EDCA ay  Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. (Daris Jose)