60 milyong Filipino, makikinabang sa libreng bakuna laban sa COVID
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
TINATAYANG aabot sa 60 milyong Filipino ang libreng mabibigyan ng gobyerno ng bakuna laban sa COVID -19 sa sandaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa kanyang pagkaka- alam ay para sa 60 milyong mga Filipino ang free vaccine na inilalaan ng pamahalaan kabilang dito ang mga pulis at mga nasa militar ganundin ang mga frontliners at mga mahihirap.
Aniya, prayoridad ang mga lugar sa tinaguriang epicenters gaya ng Metro Manila, CALABARZON, Cebu at Davao gayung dito aniya talagang matinding kumalat ang sakit.
Tiniyak naman ni Sec. Roque na mayroon din namang mga mabibiling bakuna sa botika para sa mga may kakayahang makabili ng pangontrang vaccine sa virus.
Sa kabilang dako, wala namang pilitan ang pagtuturok ng bakuna subalit naniniwala silang mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nais magpa-vaccine at base na rin ito sa isinagawang survey.
“Hindi po ito sapilitan. Iyong gusto lamang, kasi iyong 60 million, hindi naman iyan para sa lahat sa atin, 110 million Filipinos po tayo. So, kung ayaw wala pong pipilitin, pero sa tingin ko naman po, sang-ayon naman sa SWS survey 66% ay gusto ng bakuna,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)
-
MMDA, nagpaalala sa publiko na asahan ang mabigat na trapiko sa Disyembre 21
PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil magaganap ang “Parade of Stars 2022” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City sa Disyembre 21. Ang parada, na hino-host ng Quezon City local government unit (LGU), ay magtatampok ng mga float na […]
-
Quiboloy kasuhan ng sexual abuse, trafficking – DOJ
IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng mga kasong sexual abuse of a minor at qualified trafficking laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy. Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagsagawa ng anunsiyo nito kahapon, sa isang pulong balitaan. Ang kautusan […]
-
Marawi infra projects, 80% kompleto na-TFBM
SINABI ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) na 80-percent complete na ang government-led rehabilitation efforts sa Marawi City. Ito’y sa kabila ng hamon sa krisis sa kalusugan at masamang panahon. Tiniyak ni TFBM chairperson and housing czar Secretary Eduardo Del Rosario na matatapos ang lahat ng infrastructure projects ayon sa “timeline of completion.” […]