• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit naka-focus sa kanyang launching series: HERLENE, desidido na talaga sa pagsali sa ‘Miss Grand Philippines 2023’

SASALI muli si Herlene Budol sa isang beauty pageant!

 

 

Ayon kay Herlene ay ito na ang tamang panahon na sumali siyang muli sa beauty pageant sa pamamagitan ng Miss Grand Philippines 2023 matapos mag-withdraw sa Miss Planet International 2022 nang makaranas ng samu’t saring aberya.

 

 

“Pag pinatagal ko pa, baka makalimutan ko pa lahat ng trinaining ko no’ng Binibini, ‘di ba,” pahayag ni Hipon Girl.

 

 

Si Herlene ang orihinal na kinatawan ng bansa sa Miss Planet International pageant bilang parte ng obligasyon niya bilang Binibining Pilipinas 2022 first runner-up. Pinalitan siya ni Maria Luisa Varela.

 

 

Ayon sa kanya, may delay lang nang kaunti sa pagpapasa niya ng application para sa Miss Grand Philippines 2023 pero desidido na raw siyang sumali rito.

 

 

“‘Iyon yung talagang goal namin, ‘di ba? ‘Iyon yung gusto naming makuha pero hindi namin nagawa kaya baka this is the right time.”

 

 

Magbibigay naman daw ng update si Herlene sa kanyang mga tagahanga kung sakaling pormal na siyang nakapag-apply sa inaasam niyang salihang beauty pageant.

 

 

Sa ngayon, naka-focus siya sa kanyang launching series na “Magandang Dilag” na mapapanood sa GMA.

 

 

Bukod dito, mapapanood ang life story ni Herlene ngayong gabi sa “Magpakailanman” sa episode na pinamagatang ‘A Girl Named Hipon’.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Sparkle GMA Artist Center teen artist na si Andrei Sison matapos masangkot sa aksidente sa kotse noong Biyernes ng umaga.

 

 

“Sparkle GMA Artist Center sadly announces the passing of one of its teen artists Andrei Sison, due to a car accident early this morning,” saad ng talent arm ng Kapuso Network.

 

 

Ipinaabot ng Sparkle ang pakikiramay nito sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Andrei, at humiling na bigyan sila ng privacy para makapagluksa.

 

 

“Our sincere condolences to the family and loved ones of Andrei. We request everyone to respect his family’s privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.”

 

 

Ayon sa Sparkle, si Andrei ay isang “well-loved and much cherished member” ng Sparkle family.
“We will miss you, Andrei. Be with God now,” anang pahayag.

 

 

Nagbigay-kasiyahan si Andrei sa kaniyang followers sa kaniyang TikTok dance covers at mga livestream kasama ang iba pang Sparkle artists.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Clinical trial ng lagundi kontra COVID-19 sinimulan na – DOST

    NAGSIMULA na ang clinical trial ng lagundi na maaaring maging gamot kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon sa Department of Science and Technology (DOST).   ‘Yung sa lagundi po, ito po ay nagsisimula na,” ani DOST Philippine Council for Health Research Development executive director Dr. Jaime Montoya.   “Nakapag-screen na sila ng mahigit 150 na pasyente. […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 18) Story by Geraldine Monzon

    SA PAGBISITA  ni Cecilia kay Madam Lucia ay hindi niya inaasahan na mapapakialaman nito ang cellphone niyang inilapag lang niya sa ibabaw ng mesa.   “Lola, hindi ka dapat nakikialam ng gamit ko!” anas ng dalaga.   “Hindi ko naman intensyon na pakialaman ‘yan, para bang may nagtulak lang sa akin na gawin ‘yon, ang […]

  • UAAP: Nangunguna ang UST sa men’s table tennis

    Sumandal ang University of Santo Tomas (UST) sa clutch experience ni super senior Alvin Sevilla para talunin ang University of the Philippines (UP), 3-1, at kumpletuhin ang three-tie romp sa Day 1 ng UAAP Season 85 collegiate table tennis tournament , Linggo sa Makati Coliseum.   Samantala, nasungkit ng De La Salle University at Far […]