• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US Air Force, Coast Guard darating, tutulong sa oil spill

UMAASA  ang gobyerno na makakatulong ang United States (US) Coast Guard at Air Force sa paglilinis sa Mindoro oil spill.

 

 

Ayon kay National Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., na ang US Coast Guard at Air Force ay darating sa Pilipinas para tumulong sa ongoing clean up operations sa massive oil spill sa nasabing lalawigan.

 

 

Sa ulat ni Galvez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaasahan nila na anumang araw ngayon ay dara­ting sa bansa ang buong US Coast Guard at ang C-5, ang pinakamalaki at ang US Air Force strategic airlifter.

 

 

Si Galvez ay chairman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang  Office of the Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno, Philippine Coast Guard (PCG) chief Admiral Artemio Abu at iba pang opisyal ng Armed Forces at local government officials ay nagsagawa ng aerial inspection kahapon sa mga apektadong areas kung saan mayroong oil spill.

 

 

Iginiit pa ni Galvez na ang sitwasyon sa mga areas ng Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MIMAROPA) at Western Visayas regions na naapektuhan ng oil spill ay mas maayos na ngayon.

 

 

Sa ngayon ay nakapagbigay ang administrasyong Marcos at non-government organization ng P95 milyon halaga ng assistance sa mga residente na naapektuhan ng oil spill. (Daris Jose)

Other News
  • Price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity

    TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong  Ulysses.   “Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga […]

  • Nadal at Federer magsasanib puwersa sa Laver Cup

    NAKATAKDANG magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal.     Nasa Europe team ang dalawa na makakalaban ang ibang mga bansa sa ikalimang edisyon ng Laver Cup.     Hindi naman katiyakan kung makakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa tagal ng hindi pagiging aktibo mula […]

  • Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa: RABIYA, hahanaping muli ang kanyang ama sa Amerika

    HAHANAPING muli ni Rabiya Mateo ang kanyang ama sa Amerika.   Balak ng beauty queen/actress na lumipad patungong Amerika sa kaarawan niya sa Nobyembre para hanapin ang kanyang ama na lumisan noong limang taon pa lamang si Rabiya.   “I tried to look for him, even yung mga kasing-last name niya na taga-Chicago mine-message ko […]