• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SWS: 81% ng pamilyang Pinoy pagsusuotin ng mask ang mga bata sa school kahit boluntaryo na

NASA siyam sa 10 “household heads” ng mga Pamilyang Pilipino ang sang-ayon sa boluntaryong pagpapagamit ng face masks laban sa COVID-19 kahit sa mga estudyanteng pumapasok ng paaralan — sa kabila nito, 81% ang nagsasabing pagsusuotin pa rin nila ang kanilang mga anak tuwing pupunta ng eskwela, ayon sa Social Weather Stations.

 

 

Matatandaang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order 7 (s. 2022) noong nakaraang taon, bagay na nagtatanggal sa sapilitang pagpapasuot ng mga maskara laban sa nakamamatay na virus kahit nasa loob man mga establisyamento o kahit nasa pampublikong lugar.

 

 

“[Around] 91% AGREE with the voluntary wearing of face masks for children in face-to-face classes,” paglalahad ng SWS sa isang survey na inilathala nitong Lunes.

 

 

“[However], 81% say they will ALWAYS make their child wear a face mask when going to school.”

 

 

Narito ang paghahati-hati ng Filipino households pagdating sa pagpapasuot ng face masks tuwing papapasukin sa pisikal na mga klase ang kanilang mga anak:

 

– Always: 81%

– Most of the time: 11%

– Sometimes: 5%

– Rarely: 3%

– Never: 0.5%

Ito naman ang karagdagang detalye pagdating sa mga payag sa polisiya ng voluntary masking sa face-to-face classes:

– Strongly agree: 65%

– Somewhat agree: 26%

– Undecided: 3%

– Somewhat disagree: 3%

– Strongly disagree: 2%

 

 

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang payagan ng Department of Education ang pagtatanggal ng face masks sa mga estudyante kahit sa indoor settings.

 

 

Ganito ang mga resultang lumabas kahit na naglabas na noon ang Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippine ng pahayag na nagrerekomenda pa rin ng paggamit ng face masks sa loob ng mga paaralan.

 

 

Hindi lahat ng mga bata ay pwede pa ring magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 magpahanggang sa ngayon.

 

 

Ang mga nasabing datos ay bahagi ng harapang panayam na inilunsad ng SWS sa 1,200 katao edad 18 pataas sa buong Pilipinas.

 

 

Sa parehong survey, kung saan total adult Filipinos naman ang tinanong, lumalabas na 91% din ang sang-ayon sa boluntaryong paggamit ng face masks sa parehong indoor at outdoor settings.

 

 

Gayunpaman, 54% sa kanila ang nagsabing lagi na nila itong isusuot sa tuwing lalabas ng kani-kanilang mga bahay.

 

 

Narito naman ang opinyon ng adult Filipinos pagdating sa polisiya ng voluntary face mask use:

 

– Strongly approve: 64%

– Somewhat approve: 27%

– Undecided: 4%

– Somewhat disapprove: 3%

– Strongly disapprove: 1%

 

 

Ginawa ang survey mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre taong 2022, at sinasabing may sampling error margin na ±2.8%.

 

 

Umabot na sa 4.08 milyon ang tinatamaan ng nasabing sakit sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang na ‘yan, 8,626 pa rin ang aktibong kaso habang 66,342 na ang namamatay, ayon sa huling datos ng Department of Health.

Other News
  • Ginebra nakuryente sa Meralco

    PINALAKAS ng Meralco ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos basagin ang Barangay Ginebra, 90-73, sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Kumolekta si Chris Newsome ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 5-3 record ng Bolts tampok ang dalawang sunod na panalo.     Nag-ambag […]

  • KYLIE, binansagan na bilang ‘Thriller Queen’ kaya super react ang netizens

    ANG sexy at sensual ng photo ni Kylie Verzosa na kung saan siya ang cover girl ng Esquire Magazine PH for the month of September.     May tagline ito na ‘Thriller Queen’, dahil siguro sa pinag-uusapan na first lead role niya na erotic thriller film ni Direk Roman Perez na The Housemaid na hatid […]

  • Sindikato sa text scam, tatalupan ng PNP

    TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi magtatagal at matatalupan na nila ang grupo o sindikato na nasa likod ng naglipanang text scam sa bansa.     Ang paniniyak ay ginawa ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo bilang tugon sa dumara­ming reklamo ng mga text messages mula sa hindi pa natutukoy na grupo. […]