• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng tubig sa NCR, sapat sa gitna ng nakaambang El Niño -MWSS

PINAWI ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa agam-agam na posibleng kakulangan sa suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon ngayong taon.

 

 

Ayon sa ahensiya, mayroong sapat na kapasidad ang Angat dam para matustusan ang kinakailangang tubig sa Metro Manila para sa nalalabing buwan ngayong taon.

 

 

Ayon kay MWSS Administrator Leonor Cleofas, sa isinagawang simulation ng technical working group (TWG) sa Angat Dam na nagsusuplay ng 90% ng kinakailangang tubig sa Metro Manila at karatig na probinsiya, nagpapakita na nananatiling nasa “comfortable” level ang antas ng tubig sa dam sa buong dry season.

 

 

Nitong Martes, nananatiling lagpas sa minimum operating level na 180 meters ang antas ng tubig sa Angat dam na nasa 203.25 meters

 

 

Inihayag din ng MWSS official na ang epekto ng El Niño na inaasahang magsisimula sa Hunyo na magtatagal hanggang unang bahagi ng first quarter ng 2024 ay mararamdaman sa huling bahagi pa lamng ng taon at sa unang bahagi ng susunod na taon.

 

 

Nang tanungin naman ang opisyal kaugnay sa inilabas na advisory ng Maynilad na water interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite kada araw, sinabi ni Cleofas na magsasagawa ng pagpupulong ang MWSS kasama ang water concessionaire ngayong araw, Miyerkules, Marso 29 upang malaman ang kanilang dahilan. (Daris Jose)

Other News
  • Sinalo na ang lahat ng blessings ng bagong mommy: Perfect proposal ni GREG kay ANGELICA, pinuri ng mga netizens

    ILAN sa mga hirit sa bagong mommy na si Angelica Panganiban ng mga kaibigan niya, sinalo raw nito ang lahat ng blessings.   Kasi nga naman, natupad na ang matagal na niyang pangarap na maging isang ina. Pero ‘yun pala, hindi lang pagiging ina ang nagkaroon ng katuparan, isang legit na pamilya na dahil ikakasal […]

  • NA-LOCKDOWN NA BARANGAY SA MAYNILA, LUMOBO PA

    LUMOBO pa ang bilang ng mga barangay na kailangan i-lockdown ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.   Kabilang sa isasailalim sa apat na araw na “lockdown” ang anim pang barangay sa lungsod makaraang makapagtala ng sampu o higit pang kaso ng sakit.     Sa nilagdaang Executive Order no. […]

  • Ads October 26, 2022