• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Memorable sa kanya ang first worst date: GABBY, nahirapang sagutin kung sinu-sino ang ‘perfect 10’

MASAYANG nagkuwento si Gabby Concepcion sa ilang personal na bagay sa pinakabago niyang video sa kanyang YouTube channel.

 

 

Ilan sa ibinahagi niya sa kanyang vlog ay tungkol sa pakikipag-date, crushes, at marami pang iba.

 

 

Ayon sa 58-year old former ‘80s heartthrob, memorable sa kanya ang naging first date niya dahil ito ay parehong worst date and best date.

 

 

“Naalala ko my first worst date I was in junior highschool. Nag-date ako tapos nawalan ako ng gasolina. Nagtulak ako. My best date naman was also my first date. After that date, naging kami,” sey ng aktor.

 

 

Nahirapan naman daw si Gabby na sagutin ang tanong kung sino ang perfect 10 sa mga aktres na nakatrabaho niya.

 

 

“Kung sino yung perfect 10 na showbiz personality? Maraming 10. Mahirap mamili ng isa lang.

 

 

“Sa channel 7 pa lang ang daming 10. Sa totoo lang maraming magagaling ngayong mag-make up, hindi lang make up, magaganda talaga magdala ng sarili, nag-e-exercise sila, fit sila.

 

 

“I think everybody is a 10 in their own way, sa kanilang standards. Nobody is perfect pero marami sa kanila I could say close to perfect.”

 

 

Itinanong din si Gabby kung sino ang naging celebrity crush niya?

 

 

“Wala naman akong crush na celebrity, pero marami akong hinahangaan tulad ni Vilma Santos, si Lorna Tolentino, sila Amalia Fuentes.

 

 

“At ang pinakaunang nanay ko sa showbiz noong ginawa namin ang pelikulang ‘Katorse’, walang iba kung hindi si Ms. Celia Rodriguez.”

 

 

Muling mapapanood si Gabby sa upcoming GMA afternoon teleserye na ‘Stolen Life’ kunsaan makakatambal niya ulit si Carla Abellana. Una silang nagtambal sa rom-com series ng GMA na ‘Because Of You’ noong 2015.

 

 

***

 

 

PINAKILIG ng Sparkle artists na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang kanilang mga tagahanga sa lumabas na pictorial nila ng first movie nilang dalawa titled ‘The Cheating Game’ sa ilalim ng GMA Films.

 

 

Sa behind-the-scenes ng photo shoot ng JulieVer loveteam, makikita ang genuine na pag-asikaso nila sa isa’t isa. Meron ding nagaganap na bulungan, tawanan at paminsan-minsan ay nagkikilitian pa ang dalawa na lalong nagpadagdag sa kilig ng kanilang mga fan.

 

 

Kuwento ng ‘The Cheating Game’ ay tungkol kay Hope na isang NGO worker na nalamang nambabae ang kanyang finace. Nakilala niya si Miguel na tulad niya ay niloko rin ng kanyang karelasyon. Sabay silang dadaan sa different stages of grief and betrayal.

 

 

Written and directed by Rod Marmol, kasama rin sa movie sina Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Paolo Contis, Phi Palmos, Martin del Rosario, Thea Tolentino at Winwyn Marquez.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle na si FVR

    KASALUKUYAN ngayong nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya  Ramos.     “I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who […]

  • Thankful sila sa season 2 ng sitcom: Sen. BONG, puring-puri pa rin ang leading lady na si BEAUTY

    LABIS ang pasasalamat ni Senator Ramon “Bong” Revilla. Jr. sa GMA dahil sa season 2 ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’.     Lahad ni Senator Bong, “I’m very thankful sa GMA dahil sa tiwala na ibinigay nila sa akin. At mas pinalaki pa na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na […]

  • Marc Paolo Javillonar pinapanagot sa pagpisil ng puwet ni Will Allen Gozum

    Nag-viral ang video na pinisil ni Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights ang puwit ni presumptive Most Valuable Player Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers sa kanilang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tournament best-of-3 Finals Game 1 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa […]