National ID System nakikitang makakatulong sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Phl
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Nakikita ng isang kongresista na makakatulong ang national ID system para sa maayos na rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito sa Pilipinas.
Ayon kay San Jose Del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, maaring gamitin ng pamahalaan ang biometric technology ng national ID system para matiyak na matatanggap ng mga nasa priority group na tinukoy ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang inisyal na supply ng COVID-19 vaccine.
Bukod sa pagtukoy sa mga priority patients, sinabi ni Robes na makakatulong din ang paggamit ng national ID system bilang biometric ID sa pag-track sa mga naturukan ng bakuna kahit pa sa mga rural areas at offline setting.
Sa ngayon, ginagamit na aniya sa 12 bansa ang biometric ID na itinuturing “game changer” dahil sa epektibo ito pagdating sa health at humanitarian projects.
Aabot sa 12 vulnerable groups ang tinukoy ng IATF-EID na prayoridad sa rollout ng bakuna base sa guidelines na inilabas ng World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization.
Ang mga ito ay mga frontline health workers sa pribado at pampublikong sektor, mga senior citizens, indigent population at uniformed personnel.
Kasam rin ang mga guro at school workers sa mga pampubliko at pribadong institusyon, government workers, essential workers sa agriculture, food industry, transportation at tourism, socio-demographic groups gaya ng mga people deprived of liberty, People with Disability (PWDs) at Filipinos living sa mga high density areas, Overseas Filipino Workers, at iba pang mga manggagawa at estudyante.
-
Putin nagbigay kay Macron ng katiyakan na hindi iinit ang tensiyon sa Ukraine
NAGBIGAY na ng katiyakan si Russian President Vladmir Putin kay French President Emmanuel Macron na hindi na nila palalalain pa ang tensiyon sa border ng Ukraine. Sinabi Macron na ito ang naging pagtitiyak sa kaniya ni Putin subalit hindi ito nagbigay ng garantiya. Umabot aniya sa anim na oras ang ginawang […]
-
SOKOR National na wanted sa illegal online gambling, inaresto ng BI
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang siang puganteng South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa llegal online gambling. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Choi Sungsun, 33, ay inaresto sa kanyang tinutuluyan sa San Juan City ng mga operatiba ng bureau’s fugitive search unit (FSU) at […]
-
Pinas, kaisa ng Ukraine sa pahahanap ng kapayapaan
NAKIISA si President Ferdinand Marcos Jr. kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy sa hangarin ng huli na “search for peace” sa gitna ng pag-atake ng Russia sa Ukraine. Ang pangako na ito ni Pangulong Marcos ay nangyari sa isang phone call kay Zelenskiy. “I had the pleasure of talking to Ukrainian President […]