• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan-Manila connector, bukas na sa motorista, toll libre pa

BINUKASAN na nitong Miyerkules ng hatnggabi ang 5-ki­lometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila.

 

 

Wala pang sisingiling toll ang NLEX sa mga motorista para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito.

 

 

Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Caloocan, sa halip na 30 minuto.

 

 

Malaking kaginhawaan umano ito at magiging alternatibong ruta para sa mga trackers na umiiwas sa masisikip na main road sa loob ng metropolis.

 

 

Nabatid na malaking tulong din  ang pagbubukas nito ngayong linggo para sa inaasahang dami ng bibiyahe sa papalapit na Semana Santa.

 

 

Iaanunsyo pa ng NLEX kung kailan magsisimulang sumingil ng toll fee sa bagong bukas na daan. (Daris Jose)

Other News
  • Kumayod nang husto para sa mga pangarap: TEEJAY, marami ring pinagdaanan na hirap sa buhay

    UNANG beses na napanood ni Teejay Marquez ang pelikula nilang “Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)” sa special screening nito noong Agosto 27 sa Cinema 1 ng SM Megamall.   Ang una naming itinanong kay Teejay ay kung ano ang naramdaman niya matapos mapanood ang pelikula.   Lahad niya, “Siyempre nakatutuwa and […]

  • Pinoy top challenger Magsayo at WBC champ Russel Jr nagkaharap sa final presscon bago ang big fight

    NAGKAHARAP kanina sa final press conference sina WBC featherweight world champion Gary Russell Jr at ang wala pang talo at top Pinoy challenger na si Mark “Magnifico” Magsayo bago ang big fight sa Linggo.     Ginanap ang harapan ng dalawa sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City sa New Jersey.     […]

  • 4 timbog sa Valenzuela buy-bust

    NASAKOTE ang apat na drug suspects, kabilang ang isang byuda matapos makuhanan ng higit sa P176K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy- bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.   Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, alas- 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen […]