• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 timbog sa Valenzuela buy-bust

NASAKOTE ang apat na drug suspects, kabilang ang isang byuda matapos makuhanan ng higit sa P176K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy- bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, alas- 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa M. Gregorio St. Brgy. Canumay West kontra kay Eryl Bergonia, 34, at Mary Ann Evangelista, 47, byuda, kapwa ng M. Gregorio St.

 

Kaagad inaresto nina PSSg Gabby Migano at PCpl Dario Dehitta ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu si PCpl Randy Canton na nagpanggap na buyer.

 

Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang aabot sa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, P250 bills at cellphone.

 

Nuana rito, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU sa buy- bust operation sa No. 1 Kampupot St. Balangkas, dakong 5:45 ng gabi si Rolando David Jr., 39, at Gerardo Agregado Jr., 39 matapos bentahan ng P2,000 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong poseur-buyer.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 16 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P108,800.00 ang halaga, buy-bust money, P1,800 bills at dalawang cellphones.

 

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharaping kaso ng mga naarestong suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Laguna, Iloilo City, CDO inilagay sa ilalim ng ECQ, MECQ ang Cavite, Rizal at Lucena City hanggang Aug. 15

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang Agosto15, 2021.   Samantala, inilagay naman sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 6 hanggang Agosto 15, 2021 […]

  • Paiiraling sistema para sa PBA nakabitin pa ngayon – Marcial

    WALA pangpasya ang Philippine Basketball Association (PBA) kung anong paraan sa torneo ang paiiralin para sa ika-46 na edisyon ngayong 2021 simula sa Philippine Cup sa Abril 9.     Nabatid kahapon professional cage league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, na pagbabatayan pa ng PBA Board of Governors o team owners reperesentative ang magiging diskarte sa […]

  • Thirdy tumugon sa PBA

    Sumulat na si Thirdy Ravena sa pamunuan ng PBA upang ipaliwanag ang desisyon nitong muling maglaro para sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League.     Sariwa pa si Ravena sa pagpirma ng multi-year contract kasama ang NeoPhoenix na magiging dahilan upang hindi ito makalahok sa PBA Rookie Draft sa ikalawang sunod na taon.     […]